Saturday, April 25, 2009

ABS-CBN or GMA-7 on Ratings Issue,Sino ang Tunay na Number 1?



Mahalaga ang ratings ng isang show sa isang network dahil dito kumukuha ng batayan ang mga advertisers kung kanino sila mag aadvertise ng kanilang mga products.Dito rin natin malalaman kung aling show ang mas malakas.
Matagal na ring isyu ang ratings sa sa parehong higanteng Network ng Pilipinas-ABS-CBN at GMA-7.Sabi ng mga Kapamilya sila ang number one.Sabi naman ng mga Kapuso na sila talaga ang number one.Well para sa akin pareho kong pinapanood ang shows ng parehong Network.May show kasi ang ABS-CBN na gusto ko at may show naman ang GMA-7 na pinapanood ko rin.Bakit di na lang natin gayahin ang style ng mga TV Network sa Amerika na nagtutulungan at di pinapairal ang mga Network War ek ek di ba?
Well balik tayo sa topic between ABS-CBN at GMA-7.Ayon sa ratings na ipinapalabas ng AGB Nielsen lumalabas na mas panalo ang shows ng Siyete laban sa Dos sa Mega Manila na kung saan eh d2 ang sentro ng komersyo.Lumakas ang income net ng Channel 7 at lumiit naman syempre ang sa Dos. Bunga nito lalo talagang naging mahigpit ang labanan ng dalawang higanteng network. Ang ABS-CBN naman ay 5 taon nang number 2 sa Mega Manila at pinipilit nilang bawiin ang tronong dating nasa kanila.Ngunit wag mag alala ang mga kapmilya number one pa rin Nationwide ang ABS-CBN pero mas tinitingnan pa rin ng mga advertisers ang resulta ng Mega Manila. Patuloy na nagpapagandahan at nagpapabonggahan ng mga shows at production ang 2 at 7.
Pero kamakailan lang ay naglabas ng witness ang ABS-CBN against sa AGB na kesyo minamanipula nito ang ratings at sinasabing ang GMA-7 ang nasa likod ng pandarayang ito ayon sa mga witness.Nakarating pa nga sa korte ang kasong ito. Dahil sa nangyaring ito nabawasan ng credibility ang AGB Nielsen sa mata ng ibang tao pero kung updated ka naman sa mga balita eh binasura na po ang kaso. That means di po totoo ang mga allegations. As a result nademanda tuloy ng GMA ang ABS-cbn dahil lagi nilang pinlalabas sa ilang mga shows nila na GMA daw ang nasa likod.
Ayon sa aking bubuwit, may narinig syang chika na itong mga witness daw na ito ek ek ay mga fake.Binayaran para masira ang credibility ng AGB at ng GMA-7 about the ratings. Of course naman ABS need to play dirty in unobvious way di ba? Lalo't talo sila sa ratings at pinipilit talaga nilang bawiin ang trono na minsan ay nasa kanila. Uulitin ko po ito ay chika laman na narinig ng aking bubuwit.
So far di na po subscriber ng AGB NIelsen ang ABS-CBN. Ang tingin tuloy ng tao eh masyado silang bitter dahil talo sila sa Mega Manila. Tanging ang GMA-7 na lang ang subscriber na natitira dito.
Recently lang may lumabas na isa pang survey firm. Ang TNS RTO. Gaya rin ng AGB nagsusurvey din sila sa iilang mga kabahayan gamit ang tv meter para malaman kung aling channel ang mas pinapanood. Gaya rin ng resulta ng AGB, GMA pa rin ang nangunguna sa Mega Manila at ABS naman Nationwide.
AGB ay may napatunayan na sa kanilang service.Itong TNS bago yata sa pandinig ng lahat pero wag naman nating maliitin ang kanilang kakayahan.Magkaganunpaman nais po ng madlang people ang patas at tapat nyo pong serbisyo. For me pareho lang silang credible yhung nga lang mas matagal na ang AGB.
Eh kau po ano po ang mas feel nyo na mas credible?

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!