Sunday, April 26, 2009

Bebe Gandang Hari Napahiya Sa Bar


Hindi pa rin nahihimasmasan si Bebe Gandang­hari hanggang ngayon dahil sa kahihiyang naranasan niya sa Aruba Bar and Restaurant last thursday.
Inimbitahan daw si Bebe na manood ng show doon ni Rannie Raymundo.
Ang alam daw niya, sa Metrowalk ito, at huli lang niya naisip na sa Aruba bar pala ito kung saan isa sa mga policy nila ay “no crossdressing” at nagkaroon ito ng isyu noon kay Inday Garutay.Ang tarush
Hindi muna siya tumuloy sa pagpasok, kundi inutusan nya ang kanyang handler na tanungin ang security kung pwede itong pumasok para panoorin ang show ni Rannie.
Tinanong daw ng security kung ano ang suot ni Bebe. Syempre, sinagot ng handler nito na gaya ng suot ng isang normal na babae.
Hindi pumayag ang security at okay lang daw sila pumunta roon pero sa labas lang.
Gusto pang pakiusapan ng handler ni Bebe ang manager ng naturang bar pero hindi pumayag ang security, kaya tumuloy na lang daw si Bebe Gandanghari sa ibang bar.
Hindi matanggap ni Bebe bakit hindi siya papasukin dahil isa raw siyang babae kaya normal lang na damit pambabae ang isusuot niya.
Kung naka-suot panlalaki siya, iyun ang cross-dressing para sa kanya.
Inilabas ni Bebe Gandanghari sa kanyang personal blog ang karanasang iyun.
Doon niya ibinuhos ang kanyang hinaing laban sa Aruba bar and restaurant.
Nangako si Bebe na magsasalita siya tungkol sa karanasang ito pero pinaghahandaan pa raw muna niya ang kanyang sarili na maipahayag ang gusto niyang iparating sa ginawa sa kanya ng naturang bar.
Ang sa akin lang naman eh dapat respect everybody for who they are.whether your straight,gay,lesbian or transsexual.We are still son of God di ba?

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!