Monday, September 7, 2009
Gerald Anderson at Kim Chiu, Magkakabalikan Na!
Ang matagal nang hinihintay ng Kimerald Fans sa Tayong Dalawa ay naganap na at ito ay ang pagkakabalikan ng kanilang mga idolong sina Gerald Anderson bilang JR at Kim Chiu bilang Audrey.
For sure ay katakot-takot na kilig ang nangyayari sa Kimerald last Friday habang ikinakasal sina Audrey at JR.
Puwes, magtutuluy-tuloy pa ang kasiyahan nila dahil ang susunod na tagpo naman ay ang honeymoon ng dalawang bidang karakter.
’Yun nga lang, sandali lang ang kasiyahan nina Audrey at Jr dahil may isa na namang malaking trahedyang magaganap kaya abangan.
Two weeks na lang ang Tayong Dalawa sa ere at marami na ang nasasabik sa magiging katapusan nito lalo na kung ano ang mangyayari sa mga karakter ng kuwento.
Babait kaya si Ingrid (Agot Isidro)? Makukulong kaya si Ramon (Coco Martin) at magkakaroon ng pagkakataong makapag-bagong-buhay? Magkakabati-bati na kaya ang tatlong magkakapatid na sina Ramon, Jr at Dave ( Coco , Gerald at Jake Cuenca)?
’Yan ang mga tanong na for sure ay inaaabangan ng mga manonood ang sagot sa pagtatapos ng serye.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!