Thursday, September 3, 2009

Rufa Mae Quinto, Ikakasal na Nga Ba?

Iba-iba ang naging reak-syon ng mga tao sa balitang ikakasal na raw si Rufa Mae Quinto.

Nu’ng Linggo sa The Buzz at Showbiz Central, naging usapin ang pagpu-propose ng kasal ng non-showbiz BF ng aktres.

Napag-alaman naming bumabiyahe raw pala ang nobyo ni Rufa Mae at kasalukuyang nasa Hong Kong ang dyowa nu’ng ibinalitang may plano na silang magpakasal next year.

Nu’ng tanungin kung sino ang mahiwagang lala-king ito, agad sinabi ni Rufa Mae na ayaw niyang sabihin dahil baka maunsiyami ang happiness na kanyang nadarama.

Nagtataka naman kami, bakit matatapos ang kaligayahang kanyang nadarama kapag ini-reveal niya ang identity ng dyowa?

Lalo tuloy kaming na-curious kung sino ang misteryosong lalaking ito, huh!

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!