Friday, October 23, 2009
Grupong La Diva, Napiling Kakanta Ng National Anthem Sa Laban Ni Paquiao
Hindi lang isang singer kundi tatlo ang kakanta ng pambansang awit sa laban ni Manny Pacquiao sa Puerto Rican na si Miguel Cotto sa Nobyembre 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ayon sa interview na ginawa ng abs-cbnNEWs.com, ang "La Diva" ang napili ni Manny na kakanta ng Lupang Hinirang sa laban nila ni Cotto.
Ang grupong "La Diva" ay binubuo ng mga "Pinoy Pop Superstar" champions na sina Jonalyn Viray (PPS 1 Grandchampion), Aicelle Santos (PPS 2 First Runner Up), at Maricris Garcia (PPS 3 Grandchampion). Kasalukuyan silang ginagawaan ng album ng Sony BMG at GMA Records pagkatapos ng magagandang feedback na natanggap sa kanilang mga performances sa telebisyon.
Ang "La Diva" ay nag auditioned ilang buwan na ang nakararaan. Ibat-ibang artista mula sa ABS-CBN at GMA Network ang nakilahok din sa audition. Isa sina Jolina Magdangal, Charice Pempengco at Leah Salonga sa mga artistang gustong kumanta ng pambansang awit.
Hangang-hanga ang Pinoy Boxing Icon sa "La Diva" ng makita nya itong magperform. Naniniwala din sya na mabibigyan ng justice ng grupo ang npagkanta ng pambansang awit.
"Pero hindi ko naman sila nakausap. Kung nakausap ko, siguro sila. Pero ‘yong ‘La Diva’ kasi, naoo-han ko na. Mahirap naman at baka masabi wala akong isang salita," Pacquiao explained.
Matatandaan kasi na dapat si Jonalyn Viray ang dapat kakanta ng "Lupang Hinirang" sa nakaraang laban ni Manny pero si Kyla pa rin ang napili sa bandang huli.
Labels:
aicelle santos,
jonalyn viray,
la diva,
maricris garcia
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!