Thursday, November 12, 2009

Grupong La Diva, Nagbigay Ng Justice Sa Pagkanta ng Lupang Hinirang!


Sa kauna-unahang pagkakataon, trio ang umawit ng pambansang awit sa laban ni Pacman. Marami ang humanga sa galing na ipinamalas ng tatlong magagaling at magagandang mang-aawit ng grupong "La Diva" (na binubuo nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia).Isa po ang inyong lingkod sa mga taong napabilib sa galing na kanilang ipinamalas. Taos sa puso ang kanilang pagkanta at napakaganda ng blending ng awit. Dagdag exposure din ito sa La Diva lalo na't lumilikha na sila ng ingay sa music industry at maglalabas na sila ng album. Tiyak, isa ako sa bibili ng kanilang album. God bless and Good luck La Diva.


3 comments:

  1. mahirap mag-blending ng boses kapag nasa crowd ka na puro ingay kasi hindi kayo mag-karinigan… i know that kasi, parte rin ako ng choir… and i think all of you can say, na talagang uproar ang crowd dahil sa anticipated fight.. kaya, nahirapan ang la diva in the start, but once they got going, naprove naman nila kung bakit sila ang pinili ni Manny.. magaling talaga sila.. hindi sila popular sa U.S pero sa philippines, popular sila especially sa mga hopeful na maging singer din one day.. Proud ako kay manny kung pumili kasi hindi siya pumili ng sikat lang kundi yung talagang may talent … i’m sure kung si manny ay nasa abs cbn, napili na si sarah at rachel o si eric.. dahil yun talaga ang proven to be talented…..but all in all, la diva sang the song from their heart…so just be happy na hindi sila pumiyok dahil sa nerbiyos..

    ReplyDelete
  2. its amazing…..i love it

    ReplyDelete
  3. Beautifully rendered (",)

    ReplyDelete

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!