Tuesday, April 28, 2009

Latest Album Ni Ogie Alcasid,Platinum Na


Pinarangalan noong Linggo sa SOP ang singer-composer na si Ogie Alcasid ng platinum award.Nakabenta ng mahigit 20,0000 na kopya ang kanyang album na pinamagatang "The Great Filipino Songbook.Ayon nga kay Regine Velasquez na kasalukuyang nobya ng singer-composer,"Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay,mahirap na o bibihira nang umabot sa ganitong status ang mga album".Kasama si songbird sa pagpresenta ng platinum award at personal nitong sinabihan ng congratulations ang nobyo.Nakakuha na ng humigit-kumulang na 70 awards at trophies si Ogie pero sa kabila nito ay excited pa rin ang singer-composer sa pagtanggap ng award.Kasalukuyan syang gumagawa ng pelikula kasama si Judy-Ann Santos.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!