Friday, July 31, 2009

SC Top20 Hits (7/26-7/31/2009): Sarah Geronimo's "Dahil Minahal Mo Ako" Topped The Charts


Top 20 Greatest Hits
1.Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo) (1 week at no. 1)
2.Nagmahal Ako Ng Bakla (Dagtang Lason)
3.LoveGame (Lady Gaga)
4.Don't Trust Me (3OH!3)
5.Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)
6.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas)
7.And I Love You So (Regine Velasquez)
8.Walang Iwanan (6CycleMind)
9.Knock You Down (Keri Hilson)
10.Note To God (Charice Pempengco)

11.Please Don't Leave Me (P!nk)
12.Muli (Bamboo)
13.I Do Not Hook Up (Kelly Clarkson)
14.Bakit Nga Ba Mahal Kita (Laarni Lozada)
15.I Know You Want Me (Pitbull)
16.Obssessed (Mariah Carey)
17.Radar (Britney Spears)
18.I Could Break Your Heart Any Day Of The Week (Mandy Moore)
19.Divine (Linkin Park)
20.Ay amor! (La Diva)


Previous Week
Next Week

Search For Beauty & Hunk of August




SC Pinoy Hits Countdown (7/26-7/31/2009): Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go and Regine Velasquez Dominates The Charts

Top 10:

1. Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo)
2. Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)
3. As I Love You So (Regine Velasquez)
4. Walang Iwanan (6CycleMind)
5. Note To God (Charice Pempengco)
6. Muli (Bamboo)
7. Bakit Nga ba Mahal Kita (Laarni Lozada)
8. Ay Amor! (La Diva)
9. You Changed My Life In A Moment (Sarah Geronimo)
10. Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)

SC International Hits Countdown (7/26-7/31/2009): Black Eyed Peas,Lady Gaga and 3OH!3 Ruled The Charts

Top 10:
1.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas) (1 week at no. 1)
2.LoveGame (Lady Gaga)
3.Don't Trust Me (3OH!3)
4.Boom Boom
Pow (Black Eyed Peas)
5.Knock You Down (Keri Hilson)
6.Please Don't Leave Me (P!nk)
7.I Do Not Hook Up (Kelly Clarkson)
8.I Know You Want Me (Pitbull)
9.Obssessed (Mariah Carey)
10.Radar (Britney Spears)


Next Week



Mark Anthony Fernandez Enjoy Kasama si Marian!


NASABI ni Mark Anthony Fernandez napakasu-werte niya at nasama siya sa TV series with Marian Rivera.

“Natutuwa lang talaga ako dahil marami namang mapagpipilian na maging leading man ni Marian sa Darna ay sa akin pa napunta ang role na leading man nito sa series.

“Nakakatuwa talaga, kasi puro magaganda at mababait ang nagiging leading ladies ko sa GMA-7. Nandi-yan sina Sunshine Dizon (Impostora), Regine Velasquez (Ako Si Kim Samsoon), Iza Calzado (All About Eve), Heart Evangelista (Luna Mystica) at ngayon si Marian Rivera. Parang ang ganda ng takbo ng career ko ngayon.

“Kaya ayoko ma-miss ang bawat opportunity ngayon. Pinagkakatiwalaan tayo kaya ipinapakita ko rin na gustung-gusto ko ito. Lalo na itong Darna na marami nang nag-aabang,” ani Mark.

Aminado rin si Mark nang una taping nila ni Marian ay nahihiya siya sa dalaga.

“Nagkakausap na kami at nakakatuwa pala siyang kasama. Nagkakakuwentuhan na kami rin kami nga-yon,” nakangiti sabi pa ni Mark.

Kantang "Nagmahal Ako ng Bakla", Hit na Hit sa FM Stations!


HIT na hit ngayon sa FM stations, lalo na sa Love Radio, ang kantang Nagmahal Ako ng Bakla.

Puro neophyte singer-composer pala ang gumawa ng hit song na ito na mula pa sa Olongapo City.

Ang Ivory Music ang nag-record at nag-produce ng song at out na sa ngayon sa market ang first album ng grupong Dagtang Lason.

Mabiling-mabili ngayon ito, ayon sa isang record bar clerk na kausap namin.

Siyempre, karamihan ng bumibili ng album ay mga bading.

Bale ito na raw ngayon ang theme song ng mga miyembro ng third sex.

Ang first album ng Dagtang Lason, na binubuo nina Marbaggz, Kadena at Buhawi, ay may 13 original composition.

Hindi makapaniwala ang Ivory Music sa lakas ng hatak sa masa ng naturang kanta.

Kalalabas pa lang ng album pero balitang madali na itong maging gold.

Ito yung lyrics ng kanta.
Dagtang Lason - Nagmamahal Ako Ng Bakla lyrics

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin

Sinisubulan ang puso ko laging sugatan
Sineseryoso ko bakit ako ang iniwanan
Kaya ngayan nagising na ko sa
Katotohanan na lolokohin lang kami
Ng mga kababaihan

Kaya ngayon napagpasyahan
Na bakla ang aking iibigin
At ipapadama ko na himig na aking
Damdamin sa kanya
Oo nga! At hindi sa isang babae
Dahil ang puso ko ay kanilang sinabutahe
Para bang ako'y isang laruan

Na tinapaktapakan pagkatapos
Pagsawaan kanilang tatalikuran
It's so unfair kaya bakla na lang
Ang iibigin kaya ngayon pakingan niyo
Para sa inyo 'tong awitin.

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin

Hinanakit sa babae ang dahilan
Kung bakit nagmahal ako ng tulad niya
Kahit siya ay pangit
At di niya pinagkait at sakin di lumapit
Kyan hanggang ngayon virgin pa ang aking pwit
At alam ko naming wala akong kahati

Di ko siya mabubuntis
Pagkat pareho kami ng ari. Grabe!
Buong buhay niya ay sa akin binigay
Lahat-lahat kanyang inalay
Basta wag lang akong mawalay sa kanya
Di na kita iiwan kahit na ika'y bakla
Basta tiwala mo sa akin sing kinang
Ng tala at totoo.
Relasyon natin ay parang ginto
Mahal kita wag lang sana kong magkatulo.

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin

Na sulat ko ang kantang to dahil sa galit
Pagkat sa tuwing nagmamahal
Puso ko'y napupunit
Ginawa ko naman ang lahat
Sa kanya inilaan
Binigay ang nais na luho
Pati ang aking katawan.

Pero kapalit nito ay isa palang kataksilan
At nagawa pa niya na ako'y pagtawanan
Kaya ngayon si Len Jack
Ay labis ang pag-iyak
Puso ko'y parang nasagasaan
Ng limang milyong truck.

Siya ay simpleng tumatak
Ang sakit ng natamo
Kaya nagdesisyon tuloy ang puso na laging bigo
Na bakla na lang ang iibigin ko
Di na ko masasaktan nagkapera pa ako.

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin

Isang bakla ang iibigin habang buhay
Sa kanya ko lang inalay ang puso kong makulay
Siya ang nagbigay ng tawa at saya
Pag-ibig kong ito sa kanya lang
Lumigaya kesa sa GF ko
Na wala namang pake

Nagmahal ako sa kanya ng wala ng silbi
Kaya sa isang bakla ako ay nagmahal
Kahit sa ibang girl pag-ibig ko ay matumal
Kahit karumaldumal pa ang kanyang pagmumukha
Basta wag niya lang akong gawing kaawaawa
Kaya sa bigo, sa mga babae diyan
Umibig ng bakla nakakalat lang yan diyan

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin

Ayoko ng umibig ng kahit na sino pa
Kasi ako sa'yo ay okey na
At ako'y sa'yo na
Basta yung responsibility ay wag limutin
Wala kang ibang gagawin
Kundi ako'y pasayahin, ako sa'yo ay happy
Kasi lagi akong busog
Hindi mo ako ginugutom

'Cause takot kang mabugbog
Sa buhay ko ikaw ang pumapapel na yaya
Pero kahit ganun hndi pagpapalit sa iba
Pero wag kang umasa na sa'kin ka maka-isa
Bago tayo magtabi sa kama magpa-opera
Oh di ba hi-tech?
Tayo ay modern na lover
Pag dumukit ka sa'kin sisigaw ako holdaper!

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin

Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap... damhin



Lyrics | Dagtang Lason lyrics - Nagmamahal Ako Ng Bakla lyrics

Dagtang Lason - Nagmamahal Ako Ng Bakla lyrics | LyricsMode.com

All About Jed Madela...


PARANG concert ang birthday presscon ng Star Magic, since karamihan ng July celebrants ay singers.

Siyempre, hindi nagpatalo ang world champion na si Jed Madela (July 14 ang birthday niya).

Habang kinakausap ng entertainment press si Jed, tinanong namin siya kung ano ang kantang nagmarka sa kanya o ‘yung paborito niya sa album niyang Songs Rediscovered 1 & 2?

“Gusto ko ‘yung The Past. Kahit sa malls, ‘pag nakikita ako ng mga tao, ‘yun na ang nagiging second name ko, sinasabi nila, “aay, si The Past o!” natawang kuwento pa ni Jed.

Naikuwento rin ni Jed ang humble beginnings niya bilang singer.

Aniya, maga-apply daw sana siya bilang flight attendant sa isang international airline kaya siya nagpunta sa Maynila.

Eh, timing namang may contest siyang sinalihan bago siya nag-apply at na-nalo kaya nag-umpisa na ang bonggang oportunidad para kay Jed.

Hiningan namin ng sample si Jed, and sing naman siya agad nang walang ka-effort-effort.

Ang lamig talaga ng boses ng Ilonggong singer na ito.

Yes, laking Iloilo si Jed and in fact, aminado siyang nahu-homesick pa rin siya dahil sa kanyang busy schedule.

Tinanong din si Jed kung paano niya inaalagaan ang suwabe niyang boses.“A matter of discipline. ‘Pag may shows, hinay-hinay lang sa pag-inom ng malamig. Yes, umiinom ako ng malamig saka guilty pleasure ko na ang pagkain ng tsokolate, pero minsan lang.”

Jed looks up to world-class performers like Lani Misalucha, Martin Nievera, Gary Valenciano, Lea Salonga.

Among his batch, wala pa naman daw siyang na-kikitang bongga na puwedeng sabihin na iidolohin niya.

Siyempre, lahat naman ng ka-batch niya, magaganda rin ang boses at may ibubuga rin.

Erich Gonzales Bagong Kapareha ni Gerald!


Totoo nga ang tsismis. Hindi si Kim Chiu ang kapareha ni Gerald Anderson sa Tiagong Akyat, first installment ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, kundi si Erich Gonzales.

Nagkaroon na ng first grand presscon ang nasabing serye at inanunsyo na ngang si Erich ang leading lady ni Gerald.

Ayon sa young actor, siyempre ay nalungkot siya noong una na hindi sila magkasama ni Kim dahil nasanay na rin siya na ito ang parating leading lady, pero at the same time, na-excite rin siya dahil kaibigan naman daw nila ni Kim si Erich at gusto rin niya itong makatrabaho.

Besides, say ni Gerald, parte raw ito ng pagsulong ng career nila ni Kim since may ginagawa rin naman ang young actress na movie ngayon na hindi siya kasama.

Magsisimula na sa August 15 ang Tiagong Akyat at mapapanood ito every Saturday afternoon bilang kapalit ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja?

Thursday, July 30, 2009

Faith Cuneta, Tatakbong Councilor ng Pasay?


KUNG hindi man visible si Faith Cuneta ngayon sa TV ay dahil bising-bisi ang magaling na diva sa kanyang out of town shows.

In fact, nalaman namin na kagagaling lang niya sa Cebu when she buzzed us up sa Facebook, isang ma-daling araw.

With a singing prowess na mayroon si Faith, imposibleng mawalan ng raket ang babaing ito.

Kami nga, naghihintay na ng kanyang next CD after nu’ng kanyang last na selection ng mga old song.

Siyanga pala, true kaya ang balitang planong tumakbo ni Faith as councilor Pasay?

At kung matutuloy si Sharon Cuneta na kumandidato as mayor ng Pasay, aba, dalawang Cuneta agad ang mayroon sa session hall ng Pasay.

Bongga!

Bukas sa MMK


Bukas naman (August 1), simula ng first installement ng five special episodes na ipalalabas in five succeeding weeks sa ABS CBN in celebration of the drama anthology, Maalaala Mo Kaya (MMK), which is hosted by Charo Santos-Concio and has been on the air for the last 18 years.

The episode ay magtatampok kina Ai-Ai de las Alas, as the mom, and Erich Gonzales, as the daughter, na ang tanging pangarap ay ang magkaroon ng party on her 18th birthday.

But the problem is, pareho lang silang katulong na mag-ina.

In real life, Erich is only 18 years jold.

The rest of the treat of MMK for the remaining Saturdays of August will see MMK joining forces with The Filipino Channel in presenting more special dramatic episodes all shot in the U.S.

Sarah Geronimo, Happy na Makasama si Judy sa Pelikula


KAMAKAILAN sa Showbiz News Ngayon ay na-interview si Sarah Geronimo tungkol sa diumano’y pagsasamahan nilang movie ng young superstar na si Judy Ann Santos.

Tuwang-tuwa si Sarah at sana’y matuloy daw ang naturang proyekto.

Ayon sa magaling na singer at Box Office Queen, hinihintay na lang niyang matuloy ang project kung saan challenging daw ang kanyang magiging role.

Happy rin ang Pop Princess na makatrabaho si Juday, na isa ring Box Office Queen at napakahusay na aktres.

“Blessing na naman from God na makatrabaho ko ang nag-iisang Judy Ann Santos.”

Dahil sa mga blessing na dumarating sa singer-actress ay nagpapasalamat ito sa lahat ng ABS-CBN staff at kanyang ASAP family sa mga suportang ibinibigay sa kanya.

Katatapos lang ng birthday celebration ni Sarah, at aniya, ang mga magagandang proyekto na dumating sa kanya ay hinding-hindi niya makakalimutan bilang birthday gift ng Kapamilya.

Samantala, maging si Judy Ann ay excited nang masimulan ang pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah.

Bilib daw siya sa dalaga at nasisiguro niyang mas mahahasa pa ang acting nito pagdating sa drama.

Marian Rivera and Dingdong Dantes Topped Beauty and Hunk of July


Marian Rivera have the rest beat again on the SC Beauty of the Month (July), where her third month at number one brings a further 98,870 votes. Her closest rival Sarah Geronimo blast into orbit at number 2 with 92,039 votes- only short of 6,800 votes from the number one. Angel Locsin holds no.3 (3,814 votes). Rounding out the top 4
is Kim Chiu (1,677 votes).Claudine Baretto grabbed the number 5 spot with 1,666 votes, following by Chynna Ortaleza at no.7 (1,172 votes),Toni Gonzaga at no.8 (882 votes)Maja Salvador at number 9 with 847 votes and Kristine Hermosa at no.10 (446 votes).

Meanwhile, Another month for Dingdong Dantes in the summit for Hunk of the Month with 29,340 votes.Following in the #2 spot is John lloyd Cruz with 24,210 votes. Coco Martin reaches a new peak of number 3 this month with 3,345 votes. Carlos Agassi holds at #4 (3,223 votes). Rafael Rossel at number 5 (3,194 votes),Jordan Herrerra @ #6 (2,859 votes), Manuel Chua Jr at number 7 (2,859 votes), Diether Ocampo @ #8(2,426 votes), Billy Crawford at number 9 with 808 votes and Aljur abrenica joined the top 10 with 278 votes.

Thank you guys for all the effort and participation in this poll. We do appreciate it. If not with you guys this site wont exists and lasts. The people (you guys) had spoken. Marian Rivera and Dingdong Dantes is this month's Beauty and Hunk.
A total 0f 207,302 votes for BOM and 75,241 votes for HOM was tallied by the poll daddy in their database.

Saturday, July 25, 2009

Dagtang Lason's "Nagmahal Ako Ng Bakla" Topped The Charts"



SC Top10:
1.Nagmahal Ako Ng Bakla (Dagtang Lason) (1 week at no.1)
2.LoveGame (Lady Gaga)
3.Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo)
4.Please Don't Leave Me (P!nk)
5.Note To God (Charice Pempengco)
6.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas)
7.Boom Boom Pow (Black Eyed Peas)
8.Halo (Beyonce')
9.Walang Iwanan (6CycleMind)
10.And I Love You So (Regine Velasquez)




Previous Week
Next Week

Friday, July 24, 2009

Judy at Ogie, Todo-todo ang Pagpromote ng "Oh My Girl"


Dadayo sina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa Market! Market! bukas para i-promote ang Oh, My Girl!, ang movie na magsisimula ng anniversary presentation ng Regal Entertainment.

Nakita namin si Direk Dante Garcia sa CCP last Thursday at nabanggit na tapos na ang movie.

Sa Lunes, July 27, ang red-carpet premiere nito, 7 p.m., sa Trinoma, bago ang regular showing sa July 29.

Tiyak na magniningning ang Trinoma sa rami ng dadalo para makisaya at manood sa unang pelikula nina Ogie at Judy Ann.

Dadalo sina Roderick Paulate, Manilyn Reynes, Carmi Martin at iba pang cast ng movie. Hopefully, pati na ang mga nag-cameo na sina Regine Velasquez, Michael V, Wendell Ramos, Mel Martinez, Bembol Roco at Sharon Cuneta.

Pagtuligsa ng Kritiko, Nakarating Na Kay Iwa Moto


NABASA pala ni Iwa Moto ang tuligsa sa kanya nang rumampa ang iti-nanghal na 100 Sexiest Women ng FHM kamakailan.

Ang tuligsa, hindi na-silayan ang kanyang ka-seksihan nang siya ang naman rumampa that night.

Aniya: “Sinadya ko talagang ‘di itodo ang pagpapaseksi. Gusto ko kasi na may maipakita pa ako next year. I pro-mise na mas bobongga-han ko talaga, kaya wait and see na lang sila next year.”

Sabi pa ni Iwa, target niya next year ay maging number one sa FHM at gusto niyang pataubin ang kaseksihan ni Cristine Reyes na itinanghal na no. 1 sexiest woman.

“Hindi naman masama na mag-wish na maging number one ako next year, di ba? Paghihirapan ko talaga para mas gumanda at sumeksi ang katawan ko kaya hinta-yin na lang nila ang pictorial ko ulit sa FHM,” say ni Iwa.

Right now ay masaya at proud si Iwa dahil kasama siya sa Darna ni Ma-rian Rivera bilang Valentina, ang babaing ahas.

Sc Updates: Dingdong Dantes Currently Winning as Hunk of July


Dingdong Dantes is still the highest voted Hunk of July garnering 15,137 votes. Dantes is currnetly the Primetime King. John Lloyd Cruz is currently tailgaiting Dantes and he is currently on #2 spot garnering 14,363 votes. Cruz is currently linked by press to Ruffa Guttierez. Forllowing on #3 spot is the Pinoy Factor Hunk Manuel Chua Jr with 3,171 votes.
Rafael Rossel landed 4th (3,169 votes), Coco Martin as 5th (3,166 votes), Carlos Agassi as 6th placer (3,001 votes), Diether Ocampo as 7th (2,147 votes), Billy Crawford, Jordan Herrera and Allen Dizon as numbers 8,9 and 10 respectively (544 votes, 272 votes, and 269 votes)
Announcement: Poll will be closed on the 30th of this month. Keep on voting guys!
To vote click here!

Top 10 Hunk of July:
1.Dingdong Dantes
2.John Lloyd Cruz
3.Manuel Chua Jr
4.Rafael Rossel
5.Coco Martin
6.Carlos Agassi
7.Diether Ocampo
8.Billy Crawford
9.Jordan Herrerra
10.Allen Dizon

SC Updates: Sarah Geronimo Topped Marian Rivera & Angel Locsin


Pop Star Sensation Sarah Geronimo still got the highest votes in SC Beauty Poll. She had 48,237 votes.Following on #2 spot is no other than Marian Rivera who garnered 46,913 votes. As remembered Marian is number one yesterday but Sarah overtaken her with over 2,000 votes only.Its gonna be a tough and neck to neck compettion between this 2 superstars.Will Marian Rivera reclaim her number one spot this month or the Pop Princess will still reigns? We'll see.
Angel Locsin is on the 3rd spot with 3,334 votes.Kim Chiu as 4th placer with 1,613 votes. Claudine Baretto as fifth placer with 1,552 votes. Chynna Ortaleza on the 6th spot with 1,130 votes. Maja Salvador (7th place) 800 votes, Anne Curtis,Kristine Hermosa and Toni Gonazaga as numbers 8,9 and 10 respectively with 491,409 votes and 330 votes.

Announcement: This poll will end on the 30th of this month. Make sure you guys are voting for your respective idols and make them on the summit.

To vote click here!


Top 10 Beauty of July:
1.Sarah Geronimo
2.Marian Rivera
3.Angel Locsin
4.Kim Chiu
5.Claudine Baretto
6.Chynna Ortaleza
7.Maja Salvador
8.Anne Curtis
9.Kristine Hermosa
10.Toni Gonzaga

Tuesday, July 21, 2009

Sunshine at Polo, Nagkakamaabutihan Ulit?


Gaano kaya katotoong mukhang nagkakamabutihan nanaman ang ex-sweethearts na sina Polo Ravales at image model ng Fragrances of the stars na si Sunshine Dizon?

Kitang-kita raw ng mga staff kung gaano ka-sweet si Polo kay Sunshine kaya naman hindi maiwasang biruin ang dalawa ng mga kinikilig na staff ng Dear Friend.

Kinausap namin si Sunshine sa soap noong Sunday at natawa na lang ito sa nasabing balita.

Totoo raw na sweet sila ni Polo sa isa’t isa dahil close friend sila.

Kahit nga raw hindi na-ging successful ang kanilang past relationship ay nanatili naman silang good friends.

Hanggang doon lang daw sila ni Polo at wala nang mas malalim pa roon.

Sa ngayon ay wala pang balak mag-entertain ng suitors si Sunshine dahil mas gusto nitong mag-concentrate sa kanyang trabaho at sa planong magkaroon ng negosyo.

Hibiscus Rosa-Sinensis Loren Legarda


Pinarangalan ng University of the Philippines Los Baños si Sen. Loren Legarda nang isunod sa pangalan niya ang bagong hybrid ng gumamela under the “Women in Public Service” at tawaging Hibiscus Rosa-Sinensis Loren Legarda.

Ginawa ito ng UPLB bilang pagkilala sa dedikasyon ng senadora na makapagsilbi sa publiko at sa pagpo-promote ng environmental protection, climate change adaptation and disaster risk reduction.

Pinangunahan nina UP Chancellor Luis Rey Velasco at Dean Vicky Espaldon ng UP School of Environmental Science and Management ang parangal kay Sen. Loren “who was humbled by the honor and was inspired to exert more in public service for the interest of the entire Filipino people, and for humanity in the field of disaster risk reduction.”

Manilyn Reynes, Sunod-sunod ang mga Projects


Sunud-sunod ang project ni Manilyn Reynes sa TV and movies at nakagawa pa rin siya ng album. Kasama siya sa mga pelikulang Oh, My Girl! at LOL o Love Online at sa TV, regular siya sa All My Life at siya ang gaganap na Eva Castillo sa SRO Cinemaserye Presents: The Eva Castillo Story na magsisimulang mapanood bukas, July 23 sa GMA-7.

Maraming similarities sina Manilyn at Eva, gaya nang pareho silang sumasali sa amateur singing contest at pareho ring inaapi at pareho silang ina na priority ang mga anak.

Hindi lang makapa-niwala si Manilyn na fan ng love team nila ni Janno Gibbs si Eva at nagkita na sila noong samahan ni Eva ang pinsan niyang pu-munta sa bahay ni Ma-nilyn.

Samantala, sa All My Life, muntik nang sabihin ni Sally (Manilyn) kay Romina (Kris Bernal) kung bakit naging magkaaway sina Gary (Jay Manalo) at Romano (Zoren Legaspi).

Nanghiram si Marita (Lani Mercado) nang mamahaling alahas para magamit sa pagkikita nila ni Amelia (Gelli de Belen), pinaghahandaan niya ang pagkikita nila ng dating kaibigan.

Saturday, July 18, 2009

Charice Pempengco's "Note To God" Topped The Charts



SC Top10:
1.Note To God (Charice Pempengco) (1 week at no.1)
2.Please Don't Leave Me (P!nk)
3.Halo (Beyonce')
4.Boom Boom Pow (Black Eyed Peas)
5.Tell Me That You Love Me (Regine Velasquez)
6.Nagmahal Ako Ng Bakla (Dagtang Lason)
7.Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)
8.Walang Iwanan (6CycleMind)
9.Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)
10.You Changed My Life (Sarah Geronimo)



Previous Week
Next Week

Thursday, July 16, 2009

Adik Sa'Yo, Tunay na Nakakaadik


MULING tinalo nina Dennis Trillo, Jennica Garcia, Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang programa ni Anne Curtis last July 14.

Nakakuha ang Adik Sa ‘Yo ng 25.6% overnight TV rating sa Mega Manila, kumpara sa 19.9% naman ng katapat nitong programang The Wedding, base sa AGB Nielsen.

Ngayong linggo ay matutuklasan na ni Ruben (Dennis) ang lihim ni Karen (Jennica) habang magkakagulo sina Carlos (Marvin) at Joana (Jolina) dahil kay James (Wendell Ramos).

John Pratts,Nasa Cast Din ng "Oh My Girl"


NASA cast din ng Oh My Girl nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid si John Prats.

Alam ni John na paborito siya ng Regal Films, kasi hindi siya nawawalan ng project sa production ni Mother Lily Monteverde.

Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa biya-yang tinatanggap.

Gaganap siya sa Oh My Girl bilang ever supportive na kapatid ni Ogie.

Siya ang nakaaalam nang lahat ng ginawa ni Ogie para mapalapit muli kay Juday na isang sikat na artista sa movie.

Dahil si John ang kausap namin, hindi maaalis na pag-usapan ang kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao.

Ayon kay John, sobrang proud siya dahil siya ang unang boyfriend ng bunsong kapatid ni Vina Morales.

Maging sa career move ay suportado nila ang isa’t isa.

Pumayag din si John na mag-swimwear si Shaina kasi may ipakikita naman itong beautiful legs.

Kung pagpapaseksi naman ni John ang pag-uusapan ay ok lang daw ito kay Shaina.

Kahit pa raw mag-pose ang binata ng naka-brief lang, kaya ngayon pa lang ay pinag-iisipan na ito ni John tulad ng sexy pictorials nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

Malamang sa next Bench fashion show ay magpapakita na rin ng kamachuhan si John.

Showing na ang Oh My Girl sa July 29.

Cool Center nina Eugene at Anjo, May Sorpresa?


Birthday ni Eugene Domingo sa Sabado kaya naman isang surprise at bonggang celebration ang magaganap sa Cool Center, ang first live radio talk show on TV sa GMA-7.

May inihandang surprise ang kasama niyang host na si Anjo Yllana na siguradong pagpipiyesta-han.

Due to insistent public demand, ibinabalik si Mr. Cariñoso, maestro ng pag-ibig, at si Arf Arf ay sinalubong ang pagdating ng WWE Smackdown superstars.

Ibibigay naman ni Rufa Mae Quinto ang kanyang pinaka-seksing outfit sa first caller ng CC.

Kasama rin sa radio talk show si EB Babe Mae at sa Hubad na Katotohanan with surprise sexy guest.

Sa “Wanted Honey” panibagong caller na naman ang ipapares at sinong artista kaya ang kamukha nila?

Saturday, July 11, 2009

P!nk's Single "Please Don't Leave Me" Topped The Charts

Pink Pictures, Images and Photos

SC Top10:
1.Please Don't Leave Me (P!nk) (1 week at no.1)
2.Note To God (Charice Pempengco)
3.Tell Me That You Love Me (Regine Velasquez)
4.Walang Iwanan (6CycleMind)
5.Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)
6.Poker Face (Lady Gaga)
7.Nagmahal Ako Ng Bakla (Dagtang Lason)
8.Halo (Beyonce')
9.You Changed My Life (Sarah Geronimo)
10.If U Seek Amy (Britney Spears)


Previous Week
Next Week

Monday, July 6, 2009

Angel Locsin Talked About Marian Rivera




AT the thanksgiving party of Angel Locsin, she's asked what she can say about Marian Rivera as Darna, a role she first played on GMA7? "What can I say but that I'm happy for her," she says. "Alangan namang sabihin kong wala siyang K at ako lang ang may K gumawa noon. Everyone can play Darna and I'm just so happy and thankful that I was also given the chance to play Darna at nagustuhan yun ng tao. So good luck na lang kay Marian at sa mga iba pang susunod na mabibigyan ng chance to play Darna."

Can she give Marian any advice about playing Darna? "None. I don't think I'm in a position to give advice kaya wala akong maibibigay na advice sa kanya. Pangit naman pakinggan kapag galing sa'kin, di ba? Baka mabigyan pa ng ibang kulay. Basta good luck na lang."

Will Marian be able to surpass the high ratings that her "Darna" posted then? "I don't know. Siguro naman. I'm sure kaya rin niyang mag-Darna. Huwag na lang kami pagkumparahin. Basta ako, I'm happy that when I was given the chance to do Darna, tinanggap ako ng tao. Sana, siya rin."

Ruffa Guttierez and John Lloyd Cruz Real Score




LAST Sunday sa The Buzz, kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na sila nga ni John Lloyd Cruz ang nasa dalawang larawang lumabas na nakunan habang nasa USA sila.

Parehong ipinaliwanag ni Ruffa ang bawat larawan. ’Yung isa na pareho silang nakatalikod ni Lloydie habang papasok sa SLS Hotel ay dahil sinasamahan daw niya ang young actor.

“First time niya (JLC) na makapunta sa LA ( Los Angeles ) na nagbabakasyon, sinamahan ko siya riyan sa hotel, kasi right now, SLS Hotel is the hottest place. So, sabi ko sa kanya, d’yan na lang siya mag-stay. I have naman my own place in Beverly Hills. So, hinatid ko lang siya,” ani Ruffa.

Sinisi pa ng aktres-TV host ang paparazzi na kumuha ng larawan dahil sana raw ay sinundan sila hanggang sa loob ng hotel para makunan na kumain lang sila sa isang restaurant doon.

Ang pangalawang larawan naman, kung saan ay nakunan silang naglalakad sa shopping center and this time, nakaharap na sila sa camera.

“Yeah, nagsa-shopping naman kami. Diyos ko, napaka-wholesome naman ng litratong ’yan. Wala namang implicating diyan. Kami rin po ang nasa litratong ito,” sabi ni Ruffa.

Diretsahan nang tinanong ni Boy Abunda si Ruffa kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Lloydie at heto ang sagot ng dating beauty queen: “Kaya lang lumaki nang lumaki ito sa mga excited, eh. Actually, ang totoo po, we are not a couple. We enjoy each other’s company. We go out. We text. Pero hindi po kami magkasintahan, okay?

“So, relax lang kayo. Sana naman, you know, like I said, wala naman pong masama whether I enjoy time, whether with a female or with a male friend. Mabait naman si John Lloyd, ’di ba? Okay lang naman siguro na maging kaibigan ko siya, na makilala ko siya.”

May official statement din from Johnny Manahan of Star Magic na inilabas ang The Buzz at ganito ang nakasaad: “Lloyd has been a passionate, dedicated and hardworking actor since the age of 14. He has earned the respect and admiration of his peers and his co-workers through the years and he deserves to have some fun and to enjoy life.

“There is nothing wrong with enjoying the day in the company of a fine young lady like Ruffa, who took the time to show Lloydie around Beverly where she has a house.

“For all of Lloydie’s many concerned fans and supporters, I assure you, Lloydie is a good, responsible, young adult deserving of your respect and admiration.

“I’m sure you’d find it in your hearts to allow him to celebrate his own birthday in his own simple and quiet way. Nagpapasalamat po ako sa inyong pang-unawa. Salamat sa inyong pagmamahal at patuloy n’yong pagsuporta kay John Lloyd.”

"The Weddings", Maganda ang Feedback


It’s good to hear na maganda ang feedback at ratings ng The Wedding nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Zanjoe Marrudo, na gabi-gabing napapanood sa ABS-CBN Primetime Bida.

Talbog nito ang kalabang show sa Siyete, huh! Mula sa comparative TV ratings ng ABS-CBN and GMA-7 programs mula June 30 to July 2, base sa overnight ratings of AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households, noong June 30 (Martes), 20.3% ang nakuha ng The Wedding, kumpara sa Cruel Love ng GMA-7.

Last July 1 (Wednesday), 20.2% ang The Wedding at 18.4% ang Cruel Love.

Although kinabuka-san (July 2, Huwebes) ay nakabawi ang Cruel Love with 19.1% while The Wedding had 17.2%.

Pero happy ang production staff ng The Wedding dahil bukod sa original Pinoy romantic-comedy ang handog nila, mas maraming araw sa buong week sila mas mataas kaysa sa kalaban.

Kumbaga, matinding “bakbakan” pa rin ang GMA and ABS-CBN shows for the primetime supremacy sa Mega Manila, ayon sa lehitimong AGB Nielsen Philippines, kung saan mas maraming malalaking kumpanya ang nagsu-subscribe.

Very happy siyempre sa balitang ito ang tatlong stars ng show, lalo na ang dalawang director na sina Jeffrey Jeturian and Mae Cruz.

At siyempre, ang executives-in-charge sa production na sina Enrico Santos and Raymund Dizon.

“Nagbunga rin ang efforts namin and it’s worth the long wait,” masayang sabi naman ni Anne.

Man in The Mirror ni Michael Jackson, Isasama sa Album ni Aiza


GOOD news sa nag-aabang sa live album ni Aiza Seguerra ang desisyon ng Star Records na isama na ang Michael Jackson song na Man in the Mirror, na kinanta ni Aiza sa recording ng album bilang tribute sa King of Pop.

Wala sa original line-up ang nasabing kanta, pero nagustuhan nang kantahin ni Aiza at ni-request na isama sa track na pinakinggan ng Star Records.

Swak ang Man in the Mirror sa album dahil remake ng old hits ang nilalaman, gaya ng Runaway ng The Corrs, Crazy Little Thing Called Love ng Queen, Kiss From a Rose ni Seal, Ipagpatawad Mo ni Vic Sotto at iba pa. Ngayong July ang release ng album ni Aiza.

Pelikulang Bente, Showing na Bukas


Bukas na ang showing ng digital movie ng APT Films na Bente na pinagbidahan nina Richard Gomez at Sen. Jinggoy Estrada.
Very positive si Goma na tangkilikin ang pelikulang ito dahil matino raw at tiyak na magugustuhan ng mga manonood.
Kahit malakas ang foreign films na katapat nito, may sariling viewers daw itong Bente. Kaya sana, lumabas daw sila at panoorin ang pelikulang ito.
Sa presson ng pelikulang ito nu’ng Linggo ay naging biruan na nina Sen. Jinggoy at Goma ang pagpasok muli ng huli sa pulitika.
Cong. Richard Gomez na ang tawag ni Sen. Jinggoy kay Goma. Nagpahayag si Sen. Jinggoy ng buong suporta sakaling ituloy ni Goma ang pagtakbo bilang Congressman sa 4th district ng Leyte.
Samantala, doon na rin sa presscon ng Bente in-announce sa amin ni Sen. Jinggoy na gagawin nila ang part two ng Katas ng Saudi.
Nag-uusap na sila ni Direk Joey Reyes para sa script at sinabi na rin niya ito kay Lorna Tolentino na makakasama pa rin niya sa proyektong ito.

Mega Manila Ratings



SAYANG ang Are You the Next Big Star dahil magagaling ang natirang 14 contestants pero parang may kulang ang reality show na ito.
Nakarating sa amin na hindi gaanong na-utilize ang judges kahit nakakaaliw ang mga komento nila.
Parang walang bago sa direksyon ng programa na napanood na noon sa Pinoy Pop Superstar at Pinoy Idol.
Sana, mapag-isipan nang mabuti kung ano pa ang puwedeng gawin para maging exciting ito.
Ilan sa may potentials na mukhang lalaban hanggang huli ay sina Frencheska Farr, Alex Castro, Zyrene Parsad, Geoff Taylor at Greggy Santos.
Mula sa AGB, narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng Biyernes (Hulyo 3):
SiS 8.9% vs. Ruffa and Ai 4.2%;
Lalola 12.4% vs. Game Ka Na Ba 12.9%;
Eat Bulaga 28.3% vs. Wowowee 17.1%;
Daisy Siete 18.8% at Ngayon at Kailanman 19.5% vs. Kambal sa Uma 17.9%;
Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin 20.8% vs. Precious Hearts 12%;
Hole in the Wall 16.1% vs. Love or Bread 9.9%;
All My Life 19.3% vs. Boys Over Flowers 21.4%;
24 Oras 23.5% vs. TV Patrol 25%;
Zorro 28% vs. May Bukas Pa 27.7%;
Totoy Bato 30.4% vs. Only You 24.1%;
Adik sa ‘Yo 28.2% vs. Tayong Dalawa 29% at The Wedding 21.6%;
Cruel Love 20.7% vs. Showbiz News Ngayon 16.3%;
Bubble Gang 16.3%.
SABADO (Hulyo 4):
Joey’s Quirky World 15.5% vs. Game Ka Na Ba 7.5%;
Eat Bulaga 28.4% vs. Wowowee 16.1%;
Startalk 12.4% vs. Entertainment Live 11.1%;
Wish Ko Lang 11.6% vs. Cinema FPJ 15.8%;
Pinoy Records 15.7% vs. Komiks 12.7%;
Are You The Next Big Star 15.2% vs. The Singing Bee 16.3%;
Bitoy’s Funniest Video 20.7% vs. Maalala Mo Kaya 18.4%;
Kapuso Mo Jessica Soho 27.8% vs. XXX 20%;
Imbestigador 25.8% vs. Banana Split 15.2%;
Cool Center 9.7% vs. TV Patrol 9.4% at Sports Unlimited 4.7%.
LINGGO (Hulyo 5):
Joey’s Quirky World 11.3% vs. Matanglawin 11.7%;
SOP 16.5% vs. ASAP 15.7%;
Dear Friend 12% vs. Your Song presents Gaano Kita Kamahal 13.2%;
Showbiz Central 13.7% vs. The Buzz 15.2%;
Kap’s Amazing Stories 20.8% vs. Goin’ Bulilit 15% at The Singing Bee 20.2%;
Power of Ten 18.4% vs. Rated K 21.2%;
Mel and Joey 22.1% vs. Sharon 19%;
All Star ‘K’ 21.3% vs. George and Cecil 17%;
Fulhaus 16.5% vs. TV Patrol 10.3%;
World View 12.1% vs. Sunday’s Best 4.6%.

Saturday, July 4, 2009

Regine Velasquez's "Tell Me That You Love Me" Topped The Charts for Two Weeks

SC Top10:
1.Tell Me That You Love Me (Regine Velaquez) (2 weeks at no.1)
2.Please Don't Leave Me (P!nk)
3.Walang Iwanan (6CycleMind)
4.Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)
5.Poker Face (Lady Gaga)
6.Halo (Beyonce')
7.You Changed My Life (Sarah Geronimo)
8.Boom Boom Pow (Black Eyed Peas)
9.I'm Yours (Jason Mraz)
10.Thinking of You (Katy Perry)


Previous week
Next Week

Friday, July 3, 2009

Who's Better? Madonna or Janet?






SC Updates: Sarah Geronimo Currently Winning in Beauty of July


Pop Princess Sarah Geronimo aced the votes already after 48 hours of posting this survey----Beauty of July. Geronimo,Viva most precious gems, got 388 votes already. Following behind her is the Angelic Angel Locsin with 339 votes.Sarah and Angel are both Kapamilyas. Kim Chiu, Marian Rivera, Jonalyn Viray, Toni Gonzaga, Rachelle Ann Go, Yeng Constantino,Chynna Ortaleza and Kristine Hermosa made it to the top 10 as #s 3,4,5,6,7,8,9 and 10 respectively.Its a 'lil suprising---7 ladies from kapamilya network made it on the top 10 while 3 are from kapuso.

Here's the complete list:
1.Sarah Geronimo
2.Angel Locsin
3.Kim Chiu
4.Marian Rivera
5.Jonalyn Viray
6.Toni Gonzaga
7.Rachelle Ann Go
8.Yeng Constantino
9.Chynna Ortaleza
10.Kristine Hermosa


Announcements: This is not he final result of Beauty of July. This is only the latest result of the poll.The ranks in the top 10 are only temporary and might change upon eveybody's votes. So guys,what are u waiting for? Keep on voting~

To vote click here!

Chynna Ortaleza Replaced Iwa Moto in Adik Sa'Yo


TWO new characters will be introduced next week in the GMA soap Adik Sa `Yo, Eugene Domingo and Chynna Ortaleza. A third male star is still on hold for the time being. Eugene ’s entry is really part of the original plan but it’s a different case for Chynna. She will be a replacement to Iwa Moto who will be taken out of the Jolina Magdangal-Marvin Agustin-Jennica Garcia-Dennis Trillo soap.

The reason is that GMA gave Iwa the Valentina character in the upcoming Marian Rivera version of Darna. She joins the cast of an all-female villains including Maggie Wilson as Babaeng Lawin, Isabel Oli as Babaeng Tuod, Ehra Madrigal as Babaeng Linta and Nadine Samonte as Babaeng Impakta; all original comics villains of Mars Ravelo’s heroine. Mark Anthony Fernandez stays as Marian’s leading man but not the other Mark, the Starstruck boy, Herras, who will be given another show with Jennylyn Mercado.

Roderick Paulate May Counter Offer nga ba sa Dos?


Nilinaw ni Roderick Paulate na walang counter-offer na bagong show ang ABS-CBN sa kanya nang tanggapin niya ang Rosa-linda ng GMA.

For the record, buhat nang matsugi sa ere ang sitcom nila ni Aga sa Dos last year ay wala pa siyang natatanggap na bagong offer sa ABS.

Kaya minabuti niyang maging Kapuso muna siya in the meantime.

Si Malou Fagar na ng TAPE ang nagma-manage ng career niya ngayon.

At mukhang pasok na naman siya sa kamalayan ng mga Pinoy dahil nag-hit ang indie film niya na Ded Na Si Lolo, kung saan binuhay na naman niya ang roles na talyada kung saan siya unang sumikat noon sa mga early movies niya sa Regal Films.

Angel Locsin Gustong Makasama Ni Megastar Sa Pelikula!


Kahit gustuhin ni Angel Locsin, mukhang hindi yata niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Sharon Cuneta na lumabas siya sa Mano Po: My Mother bilang isa sa mga anak ng Megastar.

Legally binded siya sa exclusive contract na pinirmahan niya sa Star Cinema.

Hindi naman sa ayaw si-yang pahiramin ng Star Ci-nema sa Regal Films.

Magiging busy rin kasi siya sa sarili niyang movie with Aga Muhlach na ma-lapit nang magsimula.

Isa pa, busy rin siya sa teleserye niyang Only You na humahataw nang husto sa ratings.

Medyo worried lang siya kay Diether Ocampo na isa sa leading man niya sa Only You dahil inatake ito sa States kamakailan lang sa Star Magic caravan.

Anyway, matutupad din daw ang pangarap niyang makasama ang Megastar sa movie dahil may niluluto na raw na project ang Star Cinema na pagsasamahin silang dalawa ni Shawie.

Samantala, hindi raw totoo na may nag-o-offer sa kanya na gawin ang remake ng Himala.

At kung meron man, tulad nang binanggit ni Ricky Lee sa naging book launching nito ng Si Tatang at mga Himala ng ating Panahon, ay malabo niya itong tanggapin.

Nag-iisa lang daw si Nora Aunor at bukod-tanging ang Superstar lang ang makakagawa nito.

Wala na raw siyang mahihiling pa dahil bongga na ang career niya at super happy pa ang kanyang lovelife with Luis Manzano.

May usapan na raw sila ni Luis na huwag silang magtatambal sa TV o sa pelikula dahil gusto nilang separate ang personal life nila sa career nila.

Gusto pala naming i-congrats si Angel sa pagkakapanalo ng kanyang first teleserye sa Dos na Lobo sa Banff World Television Festival, Canada.

Natalo ng Lobo ang 800 entries from 29 countries nang manalo sa Teleserye Program category.

Carla Abellana Iniintriga Na!


Bonggang welcome ang inihanda sa SOP nga-yong Linggo para sa GMA latest teleseryeng Rosalinda kasama ang kumpletong cast sa pangunguna nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

May birthday celebration din si Sunshine Dizon at big welcome sa first Pinoy Idol winner na si Gretchen Espina.

Mamimigay ng mga relo at iba pang giveaways sa mga loyal TV audience at big, big surprises ang naghihintay sa kanila sa Sunday noontime show ng GMA-7.

***

Intriga kaagad ang sumalubong kay Carla Abellana sa ginanap na bonggang presscon ng Rosalinda kamakalawa sa Studio 5 ng GMA-7.

Kaagad naman sinagot at hindi na nagpaliguy-ligoy ang dalaga ni Rey PJ Abellana sa tanong kung totoong nakipagkalas na ito sa non-showbiz boyfriend nang pasukin ang showbiz.

“Totoo po, loveless ako ngayon. Pero wala pong kinalaman ang break-up namin sa pagpasok ko sa showbiz.”

Pangaral nga raw sa kanya ng ama na mahalin ang pinasok na trabaho, panatilihing nakatuntong ang mga paa sa lupa, laging magpakumbaba sa kapwa at huwag dibdibin ang intriga dahil ordinaryo na raw ito sa showbiz.

Tonite @ Bubble Gang!


Babaha na naman ng mga nakakatawang gags sa Bubble Gang ngayong gabi pagkatapos ng GMA Telebabad.

Kasama ang guests na sina Paolo Contis, Mark Herras, Sunshine Dizon, Rochelle Pangilinan, at Chynna Ortaleza, pagbibidahan ng BG barkada ang iba’t ibang gags na nagpapakita ng mga karaniwang ginagawa kapag nag-e-evacuate kapag may bagyo.

Gagampanan ni Paolo ang isang action star na mag papamasahe kay Bitoy. Nasa taping sila nang mahulog sa kumunoy si Paolo.

Si Ogie ay isang mabuting kaibigan na ibinabahagi ang lahat sa kanyang kaibigan, pwera lang ang isang bagay -- ang kanyang asawa.

Mas mangingibabaw kaya ang kanilang pagkakaibigan o tuluyan nang matukso ang kanyang kaibigan sa maganda niyang asawa?

Sinabihan ni Yaya ang spoiled na si Angelina na magpalit ng damit. Sumunod kaya ang hitad na bratinella?

Age doesn’t matter, sabi nila. Payagan kaya si Chynna ng kanyang mga magulang na pakasalan ang boyfriend niyang Grade 6 pa lamang?
Sa Meozep, may limang bersyon ang patalastas ng Neozep.

Are you the next big star? Latest Update


Are you the next big star?
Or are you the weakest contender?

Batay sa performan-ces ng Circle of 16 ng Are You The Next Big Star? nitong nakaraang dala wang Sabado, malalaman na kung sinu-sino sa kanila ang bubuo sa unang batch ng ‘weakest performers’ o ‘bottom three’.

Tatlong babae at tatlong lalaki ang malalagay sa alanganin bukas (Sabado), pagkatapos ng Pinoy Records sa GMA 7.

Tinanghal na best female performer ang 16 y/o na si Frencheska Farr, habang ang 18 y/o na si Christine Allado ang wost performer.

Ang 23 y/o na si Geoff Taylor ang napiling best male performer habang ang 18 y/o na si PJ Gonzales ang worst.

Hindi maaapektuhan ng boto para sa best at worst performer ang pagpili sa bottom three.

Ang mga hurado lamang na sina Danny Tan, Mon Faustino, Annie Quintos, Randy Santiago at Pops Fernandez, ang makakapagsabi kung sinu-sino ang malalagay sa alanganin.

Thursday, July 2, 2009

Showbizchismax Search for Beauty and Hunk of July

Showbizchismax is searching for prettiest and hunkiest star for the month of July. Be sure to join and make your idol topped our poll. Updates will be done every week. Poll starts today and it will end on the 30th of this month.So guys come on in and lets vote!





Dingdong Dantes is Hunk of June


Bench model and GMA-7 Primetime King hailed as Hunk of June. He won as Hunk of May as well. Dantes garnered 36% votes of 41,636 votes in our poll daddy. He beat other 45 gorgeous gentlemen in our poll including his closest rival John Lloyd Cruz who landed 1st runner up. Cruz is currently the Box office King of the Philippines. He garnered a total of 29% votes.

Joining in our top 10 lists are: Carlos Agassi, Dennis Trillo, Mark Anthony Frnandez, Geoff Eigenmann, Paolo
Paraiso, Kevin Santos and Dion Ignacio.

Her is the cmplete list of top 10 Hunk of June:
1.Dingdong Dantes
2.John Lloyd Cruz
3.Carlos Agassi
4.Dennis Trillo
5.Mark Anthony Fernandez
6.Geoff Eigenmann
7.Paolo Paraiso
8.Wendell Ramos
9.Kevin Santos
10.Dion Ignacio


Marian Rivera is Beauty of June


Marian Rivera, GMA-7 top prized actress, endorser and recording artist peaked at the summit of Showbizchismax poll Beauty of the Month for two months in a row garnering 23% of votes out of 114,655 votes tallied in our poll daddy database.Rivera bested 45 other lovely ladies in the poll.

Pop Princess and Box office Queen Sarah Geronimo is our Beauty of the Month's 1st runner up only short of 7% votes to claim the crown from Marian. Geronimo gathered 16% of votes. She is Marian Rivera's closest rival this month in the poll. This charismatic lady is up from #3 to #2 this month. Will she claim the top spot from Marian this month? Well, lets see!

Following on the lists on Top 10 are: Jewel Mische, Jonalyn Viray, Heart Evangelista, Pauleen Luna, Jackie Rice, Steff Presscott, Yamien Kurdi and Angelika dela Cruz.

Here are the complete Top 10 list of Beauty of June result by rank order of votes:
1.Marian Rivera
2.Sarah Geronimo
3.Jewel Mische
4.Jonalyn Viray
5.Heart Evangelista
6.Pauleen Luna
7.Jackie Rice
8.Iza Calzado
9.Yamien Kurdi
10.Angelika dela Cruz