Sunday, August 30, 2009

Search for Beauty and Hunk of September


Beauty and Hunk of August just ended and the month of September is coming. Showbizchismax launches a new poll for Beauty and Hunk of September. More stars were added. Its unlimited voting and the poll will be closed on September 30,2009. So what are you guys waiting for, Vote now and make your favorite stars as Beauty and Hunk of September.


Dingdong Dantes Won as Hunk of August


Dingdong Dantes the Country's Primetime King hailed as Hunk of August. Dantes won the Hunk of the month for 4th consecutive month. This prevented John Lloyd Cruz to top the summit. Dantes is currently the lead actor in series "Stairways to Heaven" on GMA-7. Box- office King John Lloyd Cruz placed second this month. Hunky star Jake Cuenca held at number three. Sam Milby placed fourth. Piolo Pascual held at number five spot. Joining the top 10 from 6-10 were as follows: Derek Ramsey, Diether Ocampo, Manuel Chua Jr., Rafael Rossel and Coco Martin.


Top 10 Hunk of August:
1.Dingdong Dantes
45,106
34%

2.John Lloyd Cruz
29,416
22%

3.Jake Cuenca
4,083
3%

4.Sam Milby
4,012
3%

5.Piolo Pascual
3,952
3%
6.Derek Ramsey
3,905
3%
7.Diether Ocampo
3,888
3%
8.Manuel Chua Jr.
3,877
3%

9.Rafael Rossel
3,875
3%
10.Coco Martin

3,870
3%



Marian Rivera Won As Beauty Of August


Primetime Queen Marian Rivera voted as Beauty of August and currently topped the beauty of the month poll for four consecutive months. Rivera is the leadstar of the top rated series 'Darna'. 'Darna currently topped both Mega Manila and Nationwide Ratings. Rivera prevented Sarah Geronimo to top the chart this month. Geronimo held at number two, four percent short to grab the top spot. As we have noticed so far, Rivera and Geronimo are the only two star that gathered the two highest votes in this poll. Angel Locsin held at number three. Claudine Baretto held at number four. Maja Salavador placed fifh. Joining the top's 6-10 were as follows: Kristine Hermosa, Christine Reyes, Nikki Gil, Kim Chiu and Toni Gonzaga.



Top 10 Beauty of August:
1.Marian Rivera
121,191
48%
2.Sarah Geronimo
109,587
44%

3.Angel Locsin
2,231
1%
4.Claudine Baretto
1,696
1%

5.Maja Salvador
1,660
1%

6.Kristine Hermosa
1,642
1%

7.Christine Reyes
1,618
1%

8.Nikki Gil
1,606
1%
9.Kim Chiu
1,572
1%

10.Toni Gonzaga
1,549
1%


Saturday, August 29, 2009

Starstruck V Launching On SOP


NANGANGARAP ba kayong sumikat sa telebisyon at maging tanyag na artista rin? This Sunday (Aug.30), isang engrandeng launching ang mapapanood sa SOP dahil magsisimula na ang pinakaaabangang reality ar-tista search ng GMA7, ang StarStruck 5. Ang mga kabataan may edad 16 to 23 years old, ba-bae o lalaki, Filipino citizen at may natatanging talent sa pagkanta, pagsayaw at acting ay maaaring magpunta sa GMA Network Drive ngayong Linggo, simula alas-10 ng umaga at kumuha ng StarStruck application forms. Magkakaroon din ng simultaneous live remote feeds at release ng application forms sa SM Cebu, SM Davao, SM Iloilo at Stadia sa Dagupan. Sa mga nais sumali, magdala ng original birth certificate at whole body and close-up photos. Kailangan mayroon ding written consent mula sa parents ang mga aplikanteng nasa 18 years old pababa at magdala rin ng original at photocopy ng valid ID‘s upang makasali sa auditions. Maliban sa pagsalubong sa SOP, makikisaya rin ang Kapuso stars sa engrandeng selebrasyon para sa launching ng Starstruck V. Sa SM Cebu Event Center, makiki-party ang for-mer StarStruck graduates na sina Ryza Cenon, Rich Asuncion, Mike Tan, Rai-nier Castillo, Yasmien Kurdi at Arnel Ignacio. Sina LJ Reyes, Iwa Moto, Jackie Rice, Chariz Solomon, Jan Manual, Chuck Allie, Arci Muñoz at Sunshine Dizon ay makiki-party naman sa SM Davao Event Center. Nasa SM Iloilo Open Par-king naman sina Mark Herras, Mart Escudero, Prince Estefan, Dex Quindosa at Allan K. Samantalang itotodo naman nina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Paolo Avelino, Pauleen Luna, Glaiza de Castro, Gian Magdangal, Mae Sex Bomb, Dennis Trillo, Harry, Jennica Garcia, Heart Evangelista, Jan Nieto, Chris Cayver, Matteo Guidicelli at Gerald Santos ang pagsalubong sa StarStruck sa Stadia sa Dagupan. Ito na ang pagkakataon ng mga nangangarap na kabataan na maging sikat na artista. Para sa mga nasa Metro Manila, ngayong Linggo rin ang pila sa GMA Network Drive para kumuha ng application forms kasabay ng mga nabanggit na SM branches.

Sarah Geronimo's "Record Breaker" Topped SC Top20 Hits Countdown








Pop Princess Sarah Geronimo blocking the top spot of the Top20 track chart for a 4th non consecutive week in a row. After 'Dahil Minahal Mo Ako' held the no.1 spot for three weeks, the follow-up 'Record Breaker' occupies the pole
position this week. Asia's Songbird Regine Velasquez's 'And I Love You So' almost topped the chart and stayed at number 2 spot for four weeks in a row now. 3OH!3's 'Don't Trust Me' slides down from number one to number three this week. Sarah Geronimo's another smash hit song 'Dahil Minahal Mo Ako' holds number four this week. Laarni Lozada's 'Bakit Nga Ba Mahal Kita' placed fifth this week. Three debuts this week:
Hush Hush, Hush Hush(Pussycat Dolls)at number eleven, Always (Charice Pempengco) at number 16, and Sweet Dreams (Beyonce') at number 20.

Top20 Hits Countdown:
1.Record Breaker (Sarah Geronimo) ( 1 week at no. 1)
2.And I Love You So (Regine Velasquez)
3.Don't Trust Me (3OH!3)
4.Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo)
5.Bakit Nga Ba Mahal Kita (Laarni Lozada) (greatest gainer)
6.My Love Is Here (Erik Santos)
7.Retro Crazy Megamix (Marian Rivera)
8.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas)
9.Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)
10.I Could Break Your Heart Any Day Of The Week (Mandy Moore)
11.Hush Hush, Hush Hush(Pussycat Dolls) ( hotshot debut)
12.Obssessed (Mariah Carey) (re-entry)
13.You Belong With Me (Taylor Swift)
14.Radar (Britney Spears)
15.Ego (Beyonce')
16.Always (Charice Pempengco) (new)
17.LoveGame (Lady Gaga)
18.Bakit Ikaw Pa Rin (Maricris Garcia)
19.She Wolf (Shakira)
20.Sweet Dreams (Beyonce') (new)


Previous Week
Next Week

Baklas (Indie Film)

Bongga naman ang preskon ng indie film na Baklas (human organs for sale) dahil ang venue lang naman ay sa isang yate na naka-park sa Manila Bay. Ayon kay Direk Buboy Tan, ang istorya ng Baklas ay base sa aktuwal na nangyayari lalo na sa mga taga-Baseco Compound na dahil sa kahirapan ng buhay ay sige na lang sa dramang kapit sa patalim as in nagbebenta ng dugo sa una, sumunod ay ngipin, sumunod ang mata at ang panghuli ay kidney kapalit ng maliit na halaga. Lead stars dito sina Roi Vinzon, Rosanna Roces, Ma. Isabel Lopez, Liza Morena, Melissa Sanchez, Jao Mapa, Aiza Marquez and Vei Vera na dating sex star as Kudette Honasan. Maganda ang tagline ng Baklas that goes... “in a desperate community, everything is a commodity.”

Friday, August 28, 2009

Eugene Domingo, Malaking Threat Kay AiAi?


PINALAKPAKAN nang husto ng press si Eugene Domingo na nakapanood sa launching movie niyang Kimmy Dora sa Shangri-La Cineplex sa Mandaluyong City.

Ayon sa katabi naming movie scribe, malaking threat si Eugene Domingo kay Ai Ai delas Alas dahil tiyak na magiging box office ang Kimmy Dora.

Walang dull moment sa panonood ng movie at talagang kaaliw si Eugene.

Bukod dito ay may sustansiya ang istorya ni Chris Martinez.

Tama rin ang timpla ng pagkakadirek ni Bb. Joyce Bernal dahil hindi nakakainis at nakakasawa ang mga eksena.

Swak na swak din ang pag-atake ni Direk Joyce sa magkaibang character nina Kimmy at Dora.

Bukod kay Eugene, bida talaga si Dingdong Dantes sa pelikula.

Simula at katapusan kasi ay nandoon siya at hindi special participation lang.

Hunk na hunk din si Dingdong dito, lalo sa mga eksena sa swimming pool.

At dahil maganda ang launching movie ni Eugene, hindi kami magtataka na marami ang manonood nito.

Tarot


Second horror movie together nina Marian at Dennis itong Tarot, since they have been paired in a past horror film, Pamahiin. First together nila ito to work with former award-winning writer and script-writer Jun Lana, who is a Bicolano pala. Direk Jun grew up in Victory Village, Legaspi. Since we also grew up in Bicol, we asked Direk Jun kung paano siya nagkaroon ng fascination for horror stories and films, saman-talang in Legaspi, in particular, horror things are selcom discussed. As a teenager pala, until he became an adult, avid viewer siya ng mga horror films, kabilang na ang Psycho. Second horror movie na idinirek niya itong Tarot, since siya rin ang nama-hala ng Kutob, which Regal Entertainment also produced. The idea to do a horror movie on Tarot came from Roselle Monteverde-Teo, who is now managing Regal Films. Before writing the script of the movie, he and his team, ayon kay Direk Jun, made a thorough research on tarot. In fact, the reason why, in Tarot, they decided not to use the ordinary tarot cards but instead came up with their own version of cards because may fear daw silang ang mga, wika nga’y, elements involved sa tunay na cards na kanilang gagamitin ay mga active pa. “Mahirap nang magbakasakali,” ani Direk Jun.How horrifying is Tarot? “Basta maraming eksenang manginginig ka sa takot. Kasi, bawat element sa card na lumabas ay nagkakaroon ng buhay. Kaya, maraming effects and pelikulang ito,” ani Direk Jun. “Kaya, maituturing ito na rare horror movie.”

Thursday, August 27, 2009

Singer ng Isang Grupo, Inirereklamo

Pinagharap-harap ang grupo ng singers na may problema sa isa nilang member na ayaw sumamang mag-rehearse kahit malapit na ang concert nila. Puyat daw siya sa gabi-gabing gig. Katuwiran ng iba, sila man ay may gig, pero nakakapag-rehearse pa rin.Inereklamo rin ng grupo ang paglayo ng singer sa kanila. Iisa ang dressing room nila sa network kung saan magkakasama sila sa isang show, pero sa banyo naglalagi ang singer na walang nakakausap. Idinaan na lang sa biro ng isang nagrereklamo na ’di sila maka-ihi dahil inangkin ng singer ang banyo. Nag-promise ang singer na isi-share na ang banyo sa mga kasama at makikihalubilo na.

Wednesday, August 26, 2009

Sunshine Dizon, Thankful at Matiyaga


Kung ang ibang Kapuso star ay nag-aalburuto kaagad kapag hindi nabibigyan ng project or natetengga ang showbiz career, iba naman ang drama ni Sunshine Dizon.Tahimik lang ito at hindi nakitaan ng pagrereklamo kahit natagalan bago nasundan ang kanyang All About Eve. Alam kasi ni Shine na hindi siya pababayaan ng Siyete kahit matagal bago masundan ang kanyang project.Napapanood naman siya araw-araw sa Unang Hirit at kasama rin sa SOP every Sunday.Kaya hindi nagde-demand ng projects si Shine dahil alam niya hindi siya pababayaan bilang Kapuso star.Latest na balita namin ay gagawin ni Shine ang TV version ng another hit movie noon ni Nora Aunor, ang Tinik Sa Aking Dibdib.Habang hindi pa nagsisimula ang taping ng Tinik ay todo ang paghahanda ng aktres sa tulong ni Doc Manny Calayan na maging physically fit at maalagaan ang sexy figure.Inamin naman ng aktres na nag-undergo siya ng lipo suction.“Wala akong dapat itago at hindi ko ikinakahiyang sabihin na marami akong ipinabawas sa Calayan Surgicenter,” say ni Shine.

Tuesday, August 25, 2009

Sexy Star, Nag Out 'N Wild sa Club

Sino ba itong sexy star na halos ikamatay sa nerbyos ng manager ang ginawang pagsasayaw sa stage sa isang KTV bar. Paano ba naman, noong rehearsal ng sexy star, hindi nakita ng manager ang ginawang paglalambitin sa mga kurtina ng dalaga. Pero nu’ng actual performance nito, para na siyang nagwala kaya nagsigawan ang mga lalaki.Ninerbyos ang manager niya at ang mismong may-ari ng bar. Tama ba kasing maglambitin sa kurtina?Ayon sa manager, kaya nagwala ang kanyang alaga ay dahil nakainom daw ito bago nag-perform. Matindi rin daw ang depresyon nito ngayon dahil matagal ng walang show at raket.

Monday, August 24, 2009

Piolo Pascual, Malaki Ang Tiwala Kay Eugene


KAHIT ipalalabas pa lang sa September 2 ang Kimmy Dora na pinagbibidahan ni Eugene Domingo na prinodyus ng Spring Films na binubuo nina Piolo Pascual, Joyce Bernal, Shayne Sarte at Erick Raymundo, meron na agad itong follow-up movie.Ayon kay Direk Joyce, ke kumita o hindi ang Kimmy Dora, bibigyan nila ng kasunod na pelikula si Eugene. Ganu’n daw kalaki ang tiwala ni Piolo sa komedyante.“Tatlong producers na ang nag-offer noon kay Eugene para magbida, kaya lang hindi niya ’yon tinanggap. We’re happy na kami ang nagbigay sa kanya ng launching movie niya,” wika ni Piolo.Napanood na ni Piolo ang ilang bahagi ng pelikula at bilang audience, alam niyang magkiklik ito sa mga manonood.“Nakakatawa ’yung movie namin. Alam kong mag-i-enjoy ang lahat ng manonood nito, promise! Hindi masasayang ang ibabayad nila,” paninigurado pa ni Piolo.

Sunday, August 23, 2009

Kevin Santos as Ignoy


Kai-interview lang namin kay Kevin Santos sa taping ng Darna, the next day, sa presscon ng Show Me Da Manny naman namin siya nakita. Thankful si Kevin sa manager niyang si Joe Barrameda na masipag maghanap ng project, kaya lagi siyang may trabaho.Sa Darna, Ignoy ang pangalan ni Kevin at manliligaw siya ni Aleli (Roxanne Barcelo) at sa sitcom, siya si Chris Brawner na may gusto kay Hannah Montano (Lovi Poe). Naguluhan lang kami kay Kevin sa sinabing gusto niyang ka-love team si Lovi, pero type maging leading lady ang mga gaya ni Carla Abellana na baguhay para sabay silang umangat. Ano ba talaga?

This Sunday sa "Are You The Next Big Star"


Ngayong Linggo na magkakaalaman kung sino ang tatanghaling the next big star sa Are You The Next Big Star ng GMA-7.May kanya-kanya nang bet kung sino sa anim na finalist ang dalawang tatang-haling Next Big Star.Paborito namin sa babae si Francheska Farr na mula nang mag-umpisa ang singing contest ay nagpakita na ng husay.Pero nasa kamay pa rin ng judges at text vote ang kapalaran ng anim na finalist kung sino talaga ang may karapatang manalo.Sa lalaki naman ay dalawa ang pinagpipilian namin -- sina Geoff Taylor at Jay Perillo. Pagkatapos ng AYNBS ay ipapalit dito ang Celebrity Duets 3.

Saturday, August 22, 2009

70's All Male Group, Magbabalik Concierto

Muling nagbabalik sa concert scene ang mga sumikat nating all-male group noong 70s na VST & Co, Hagibis, Hotdogs at Boyfriends.Magsasasama ang mga nabanggit sa isang concert titled Yeba 2 Dance Concert na gaganapin sa September 11 sa NBC Tent sa The Fort.Sa presscon para sa nasabing concert held a few days ago ay nakausap namin ang isa sa miyembro ng VST and Co. na si Monet Gaskell at nanghihinayang siya na hindi na kumpleto ang grupo nila at apat na lang silang miyembrong makakasama sa concert.Isa sa members ng VST & Co si Vic Sotto na hindi nakasama sa Yeba 2 Dance Concert. Ayon kay Monet ay naiintindihan naman daw niya ang dating ka-miyembro dahil super-busy ito ngayon.Ang iba naman daw miyembro ay may iba na ring ginagawa tulad ni Spanky Rigor na nasa States na. Ang kapatid nitong si Snaffu na lang ang makakasama sa concert.Kakantahin ng VST & Co ang mga nag-hit nilang kanta tulad ng Awitin Mo at Isasayaw Ko, Rock Baby Rock, Sumayaw Sumunod, Ipagtawad Mo at marami pang iba.Ganundin ang Hotdogs na kakantahin naman ang classic hit songs nilang Manila, Bongga Ka Day, Annie Batungbakal, Pers Lab at marami pang iba.Hindi naman siyempre patatalbog ang Boyfriends na aawitin din ang mga sumikat nilang kanta kabilang na ang Dahil Mahal Kita, ganundin ang Hagibis with their very popular Katawan, Legs, Legs, Legs, Nanggigiil Kami at marami pang iba.Kasama rin sa concert ang Area One at Ramon “RJ” Jacinto & Friends.

Friday, August 21, 2009

SC Top20 Hits Countdown: "Dont Trust Me" by 3OH!3 Topped The Charts!


SC Top20 Hits Contdown:
1.Don't Trust Me (3OH!3) (1 week at no.1)
2.And I Love You So (Regine Velasquez)
3.Record Breaker (Sarah Geronimo) ) (hotshot debut
4.Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo)
5.I Could Break Your Heart Any Day Of The Week (Mandy Moore)
6.Retro Crazy Megamix (Marian Rivera)
7.Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)
8.You Belong With Me (Taylor Swift)
9.Bakit Nga Ba Mahal Kita (Laarni Lozada)
10.My Love Is Here (Erik Santos)
11.Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)
12.If U Seek Amy (Britney Spears)
13.Ego (Beyonce') (new)
14.LoveGame (Lady Gaga)
15.She Wolf (Shakira)
16.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas)
17.Radar (Britney Spears)
18.Celebration (Madonna)
19.Bakit Ikaw Pa Rin (Maricris Garcia)
20.I Do Not Hook Up (Kelly Clarkson)




Previous Week

Thursday, August 20, 2009

Marian Rivera, Very Proffessional sa Trabaho!


Alas-sais ng umaga nang matapos ang taping ni Marian Rivera para sa Darna noong Martes at 9:00 a.m. ang calltime niya sa taping ng Show Me Da Manny.


Bilib na bilib kay Ma­rian ang mga kasama niya sa sitcom dahil kahit walang tulog, maaga siyang dumating sa set ng sitcom nila ni Manny.


Hindi naringgan ng reklamo si Marian at pagod man siya sa maghapon at magdamag na pagtatrabaho, hindi ito halata sa presscon ng Show Me Da Manny na ginanap din noong Martes ng gabi.

Karylle at Sid Lucero, Not-So Konek?!


Hindi pa matiyak nina Karylle at Sid Lucero kung ano ang magiging ‘konek’ nila sa isa’t isa sa upcoming series na Dahil May Isang Ikaw, also starring Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Chin Chin Gutierrez at John Esrada.

As it is, mas maraming eksena na magkasama sina Karylle at Jericho kesa kay Sid.

Si Kristine, who will end up as Echo’s kapareha, plays Karylle’s adopted sister. Kristine comes into their family’s life when she’s supposedly six years old.

Playing their parents are Chin Chin and John.

May mga eksena rin si Karylle with real-life auntie, Lorna, who plays Echo’s adoptive mom.

In real-life, Lorna is the first cousin of Karylle’s mom, Zsa Zsa Padilla. Lorna and Zsa Zsa’s respective moms are sisters in real-life.

Did you know, too, that Lorna’s late husband, Rudy Fernandez, is also a first cousin of Zsa Zsa? Rudy’s late mom, Paz Fernandez, is a sister of Zsa Zsa’s dad, former actor Carlos Padilla Jr.

Wednesday, August 19, 2009

Ruffa and Ai on Monday...

Sa Monday ay may Miss Universe Primer ang Ruffa and Ai.

Special episode ito (8:30 AM ang simula nila that day), at may special co-hosts si Ruffa.

Kasama niya sa primer na ito sina Charlene Gonzales at Miriam Quiambao (Miss Universe first runner-up).

According to Ruffa, excited na siya sa primer na ito at pinaghahandaan niyang mabuti.

“Excited ako na makasama uli si Charlene sa Ruffa and Ai. Remember before, nag-guest co-host na rin siya nang magkasakit si Ai Ai.

“Maganda rin na kasama namin sa primer na ito si Miriam,” sabi ni Ruffa.

Samantala, ngayon ang birthday celebration ni Lorin Bektas sa morning talk show ng kanyang Mommy Ruffa.

Pangarap ni Santinong Makapunta ng Disneyland, Matutupad Na!


Ang “Miracle Boy” na si Zaijian Jaranilla (Santino of May Bukas Pa) ay magdiriwang ng ika-walong kaarawan sa Aug. 23 at isang bonggang regalo ang ibibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Tutuparin lang naman ng ABS-CBN ang isa sa mga kahiligan ni Santino na makapunta sa Disneyland. Aalis ang bagets sa Aug. 21, Friday, at doon na siya magdiriwang ng kaarawan.

“Excited na po ako. Matagal ko na po kasing gusto makapunta ng Disneyland. Nakikita ko po ’yon sa TV at parang ang saya po roon,” say ni Zaijian.

“Gusto ko pong mag-thank you sa ABS-CBN, kasi ibibigay po nila ’yung isa sa mga birthday wish ko,” sabi pa ng Miracle Boy.

Bukod sa trip sa Disneyland, naghanda rin ang ABS-CBN ng children’s party sa August 29. Limampung mapapalad na batang paslit ang makikisaya kasama si Zaijian.

Katulong ang ABS-CBN Interactive at 101.9 For Life, isang text promo ang ilulunsad kung saan ang mga sasali sa promo ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama si Santino.

Eugene Domingo, Bida sa Kimmy Dora!


Lubos ang pasasalamat ni Eugene Domingo sa malaking break na ibinigay sa kanya ng Spring Films.

Bida kasi si Eugene sa pelikulang Kimmy Dora na showing na sa Sept. 2.

Kasama ni Uge sa pelikulang ito ang napakaguguwa-pong leading men na sina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

Dalawang karakter ang ginagampanan ni Eugene sa pelikula: Isang office girl na iniilusyon ang karakter ng papable na si Dingdong at ang isa naman ay si Dora, isip-bata na inaapi ni Kimmy.

Sa trailer pa lang, super-aliw na ang lahat sa presscon.

Paano naman kasi, ang cute ng eksena ni Uge na nagpapapansin kay Dingdong.

Habang nasa presscon, na-ging usapin din kung gaano kasuwerte si Eugene.

Nagsimula siya bilang dubber, hanggang naging sidekick o best friend ni Ai Ai delas Alas sa halos lahat ng TV at movie projects ni-ya. Ngayon, it’s Uge’s turn to shine, ‘ika nga.

Sinabi naman ng komed-yana na sa araw-araw na gi-nawa ng Diyos, ipinagpapasalamat niya ang biyayang ito.

“Siyempre, sa ‘yo na na-ka-focus ngayon ang mga tao. Pagdating mo sa set, set mo na ‘yan, ang mga tao riyan parang mga bisitang pinapaakyat mo sa bahay mo. So, may added pressure na rin. Pero, ang lahat ng ito ay ipinagpapasalamat ko.”

Usap-usapan din ang tungkol sa Spring Films na nag-produce ng Kimmy Dora na dati ay iri-release ng Star Cinema. Pero balita na-min, Solar Films na ang mag-ri-release ngayon. May kinalaman ba ito sa conflict between Star Cinema and SM Malls?

Tuesday, August 18, 2009

Karylle's Words on Dingdong and Marian


PINUTAKTI ng tanong si Karylle ng mga reporter para hingan ng reaction sa naging scenario na magkasama sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa burol ni former President Cory Aquino na magka-holding hands.

“It`s almost a year nang wala kami ni Dingdong, so hindi na ako kailangang mag-comment. Kumbaga bakit pa ako sasama sa picture? Masaya na ako at matagal nang nakapag-move on,” say ni Karylle

Magmula raw nang magkahiwalay sila ni Dingdong ay gumanda ang pananaw niya sa buhay at lalong lumawak ang kanyang pag-iisip sa buhay. Matagal na raw silang hindi nagkikita ni Dingdong at hanggang maaari ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang ex-boyfriend dahil baka raw isipin na ginagamit niya ang actor sa kanyang publicity. Kahit ‘di sila nagkikita ay magkasosyo pa rin naman daw sila sa bar and resto na itinayo nila noon. In fact, doing good nga raw ang business at marami naman daw silang partners doon ka-ya okey lang na hindi sila magkausap

Samantala, masaya si Karylle sa blessings na dumarating sa kanya. Pagkatapos ng Nasaan Ka Maruja ay isinama siya sa Dahil May Isang Ikaw with Jericho Rosales and Kristine Hermosa

Sa September ay naka-takda siyang mag-shoot ng TVC ng Pink Water Body Spray at may dalawa pa si-yang endorsements na ilu-launch.Thankful si Karylle sa Dos dahil magmula nang maging Kapamilya siya ay nagkasunud-sunod na ang magagandang pangyayari sa kanyang buhay.

Nagpapasalamat din siya sa GMA7 dahil ito raw ang unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon sa showbiz na sad to say nga lang at hindi nagtuluy-tuloy dahil sa hindi inaasahang pangyayari

Monday, August 17, 2009

Matinee Idol at Young Actress, Nagkabalikan Na!?!

Hindi na kataka-taka kung mabalitang nagka­balikan na ang matinee idol at ang young actress.

Nakikita kasi sa young actress ang mga pruweba para mabukong matagal na silang nagkabalikan ng matinee idol.

Minsan sa taping ng ginagawa nitong serye, dumating ang young actress sakay ng isang ma­garang sasakyan.

Mahigit P2M ang ha­laga ng sasakyang dala-dala ni young actress..
Nadiskubre agad ng mga kasamahan sa ta­ping na hindi kay young actress ang sasakyan kundi kay matinee idol.

Wala kasing sapat na pera ang young actress para bumili ng ganoon kamamahaling sasakyan.

May kaya sa buhay ang young actress pero hindi ito bibili ng ganoong sasakyan.
Nang sumunod na ta­ping, ibang sasakyan ang gamit ng young actress.
Namukhaan ng mga staff at artista na ang dala-dala niyang sasaka­yan ay kay matinee idol.

Hindi na nakapag-deny ang young actress at inamin na ipinahiram sa kanya ang sasakyan dahil color coding ang kanyang sasakyan.

Sunday, August 16, 2009

Abangan Ngayong Linggo...

NGAYONG Sunday sa Joey’s Quirky World, pupuntahan nina Inspector Ta-las (Joey De Leon) at Vicky Bola (Ryan Yllana) ang magaganda at kakaibang tanawin sa mga kalsada sa Moscow, Russia.

Ipapakita rin sa show ang nakakamanghang view sa isang mining camp sa Ma-intopia Betshi Park, Japan.

Sa fun game, paramihan ng mapapaputok na lobo ang mga bata sa pamamagitan ng plastic mallet. May mga powder ang lobo na tumatalsik sa mother ng kalaban.

Mapapanood din ang mga boat people sa Egypt. Papasyal din sila sa water village ng Thailand.

Babalik sina Talas at Bola sa Bangladesh para matikman ang number 1 dessert du’n, ang Misti. Lahat ng iyan sa tunay na kakaibang Joey’s Quirky World ngayong Linggo bago mag-SOP Rules.

Delay ng kalahating oras ang pagpasok ng SOP sa ere. Sabi ni Hazel Abonita, program manager ng show, papasok sila ng 12:30 p.m.

Abangan sa SOP ngayong Sunday ang nagseseksihang Castaways ng Survivor Philippines Season 2. First time lang makikita sa TV na rarampa sila sa noon time show. Darating din ang hunk actor ngayong si JC Tiuseco na magpe-perform ng isang dance number.

Abangan din ang Season 3 Celebrity Duets contestants para kilatisin kung sino ang may kaparapatan sa kanila. May special production number ang Are You The Next Big Star hosts na sina Regine Velasquez at Keempee de Leon, kasama ang top-6 candidates na magpapakitang gilas sa kanilang pag-awit.

‘Di pahuhuli ang Pambansang Kamao. Magpo-promote siya ng kanyang bagong sitcom sa GMA7, ang Show Me Da Manny

Saturday, August 15, 2009

Kris Aquino, Balik Da bUzz...


Ngayon ang pagbabalik ni Kris Aquino sa The Buzz. May big welcome kay Kris ang co-hosts na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez, pati ang staff ng The Buzz.
May updates si Kris sa mga plano nilang magkakapatid sa bahay nila sa Times St., Quezon City after maulila sila ng inang si Pres. Cory Aquino.

Bukod kay Kris, darating sa The Buzz sina Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Sam Milby, Diether Ocampo at Angel Locsin.

Ise-celebrate rin ng The Buzz ang ilang linggong panalo nila sa ratings.

Sarah Geronimo Topped The Charts For The 3rd Week!

Top 20 Hits:

1.Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo) (3 weeks at no.1)
2.And I Love You So (Regine Velasquez)
3.Don't Trust Me (3OH!3)
4.Radar (Britney Spears)
5.Nagmahal Ako Ng Bakla (Dagtang Lason)
6.I Could Break Your Heart Any Day Of The Week (Mandy Moore)
7.You Belong To Me (Taylor Swift)
8.Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)
9.LoveGame (Lady Gaga)
10.She Wolf (Shakira) (new)
11.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas)
12.Bakit Ikaw Pa Rin (Maricris Garcia) (new)
13.Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)
14.My Love Is Here (Erik Santos) (new)
15.Bakit Nga Ba Mahal Kita (Laarni Lozada)
16.Inibig Ka Nya (Laarni Lozada)
17.I Do Not Hook Up (Kelly Clarkson)
18.Celebration (Madonna) (new)
19.Waking Up Vegas (Katy Perry) (new)
20.Paparazzi (Lady Gaga)

Previous Week
Next Week

Monday, August 10, 2009

Mega Manila Ratings (Agosto 7-9)

MULA sa AGB, narito ang Mega-Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 nu’ng BIYERNES (Agosto 7):
SiS 9.6% vs. Ruffa and Ai 5.4%;
Lalola 11.6% vs. Game Ka Na Ba 12.8%;
Eat Bulaga 26.4% vs. Wowowee 16%;
Daisy Siete 20.2% at Ngayon at Kailanman 20.3% vs. Kambal sa Uma 14.5% at Precious Hearts Romances 12.7%;
Kung Aagawin mo ang Lahat sa Akin 23.9% at Hole in the Wall 13.5% vs. Love or Bread 10.1%;
All My Life 19.5% vs. Boys Over Flowers 19.8%;
24 Oras 30.4% vs. TV Patrol 25.2%;
Zorro (finale) 32% vs. May Bukas Pa 28.9% at Only You 26.4%;
Rosalinda 27% vs. Tayong Dalawa 27.9%;
Adik sa ‘Yo 24.8% vs. The Wedding 18.3%;
Cruel Love 21.1% vs. Showbiz News Ngayon 18.3%;
Bubble Gang 15.2% vs. Bandila 14.5% at SOCO 9.8%.
SABADO (Agosto 8):
Joey’s Quirky World 18.9% vs Game Ka Na Ba 8.6%;
Eat Bulaga 28.1% vs. Wowowee 16.1%;
Startalk 12.5% vs. Entertainment Live 11.1%;
Wish Ko Lang 16.7% vs. Cinema FPJ 13.4%;
Pinoy Records 14.6% vs. Komiks 12.9%;
Are You The Next Big Star 15% vs. The Singing Bee 17.3%;
Bitoy’s Funniest Videos 21.9% vs. Maalaala Mo Kaya 13.8%;
Kapuso Mo Jessica Soho 26.1% vs. Vilma 13.5%;
Imbestigador 23.7% vs. XXX 15.1% at Banana Split 14.4%;
Cool Center 14.6% vs. TV Patrol 8.7% at Sports Unlimited 5.7%;
GMA Weekend Report 7.1% vs. Games Uplate 1.3%.
LINGGO (Agosto 9):
Joey’s Quirky World 10.7% vs Matanglawin 12.8%;
SOP 16.2% vs. ASAP 12.8%;
Dear Friend 12.7% vs. Your Song 10.2%;
Showbiz Central 12.1% vs. The Buzz 13.5%;
Kap’s Amazing Stories 21% vs. Goin’ Buli­lit 13.2%;
Power of Ten 19% vs. The Singing Bee 16.3%;
Mel and Joey 23.6% vs. Rated K 21.9%;
All Star ‘K’ 18.5% vs. Sharon 19% at George and Cecil 16.7%;
Darna Mania 17% vs. TV Patrol 11.3%;
Sunday Night’s Box Office 8.2% vs. ABS-CBN Foundation 5.6%.



Bagong TV Ad ni Erap, Kwela at May Dating!


Malakas ang dating sa amin ng bagong TV ad ni former President Joseph Estrada tungkol sa isang food supplement para sa arthritis.


Hindi namin mapigilan ang matawa tuwing napapanood namin ang commercial ni Erap habang tumatakbo para ipakita na malakas pa rin ang kanyang mga tuhod.


Kuwela ang eksena na aalog-alog ang tiyan ni Erap habang tumatakbo siya at nalampasan niya ang lalake na nakasuot ng blue polo shirt at pumapadyak sa isang pedicab na obvious na spoof ng political TV ad ni Senator Mar Roxas.

Friday, August 7, 2009

SC Pinoy Hits Countdown: Sarah Geronimo, Regine Velasquez and Dagtang Lason Dominates The Chart!

Top 10 Pinoy Hits:
1. Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo) (2 weeks at no. 1)
2. As I Love You So (Regine Velasquez) (greatest gainer)
3. Nagmahal Ako Ng Bakla (Dagtang Lason) (hotshot debut,greatest airplay)
4.Bakit Nga Ba Mahal Kita (Laarni Lozada)
5. Retro Crazy Megamix (Marian Rivera)
6. Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)
7. Ay Amor! (La Diva)
8. You Changed My Life In A Moment (Sarah Geronimo)
9. Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)
10. Note To God (Charice)


SC International Hits Countdown: Taylor Swift's (You Belong With Me) Debuted at #1!


Top 10 International Hits:
1. You Belong To Me (Taylor Swift) (1 week at no. 1)
2.Don't Trust Me (3OH!3)
3.Knock You Down (Keri Hilson)
4. Papapparazzi (Lady Gaga) (hotshot debut)
5.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas)
6.LoveGame (Lady Gaga)
7.Radar (Britney Spears)
8. Ego (Beyonce') (new)
9. I Could Break Your Heart Any Day Of The Week (Mandy Moore)
10. I Know You Want Me (Pitbull) (new)







Previous Week

Next Week






Sarah Geronimo Topped SC Top20 Hits for 2 Consecutive Weeks



"Dahil Minahal Mo" Ako by Pop Princess Sarah Geronimo hangs a second consecutive week at the summit of the track chart. Asia's Songbird Regine Velasquez' (As I Love You So)' propelled at no.2 (up from no. 7 last week), Dagtang Lason's 'Nagmahal Ako ng Bakla' debuted at no.3. Taylor Swift debuted at no. 4 (no.1 in SC International). Laani Lozada's (Dahil Minahal Kita storms the top 10 finally at no.5 (up from no.14 last week).


Top 20 Hits (July 31,2009-August 7,2009)



1.Dahil Minahal Mo Ako (Sarah Geronimo)2878 points (2 weeks at no. 1)

2.And I Love You So (Regine Velasquez)368 points (greatest gainer)

3.Nagmahal Ako Ng Bakla (Dagtang Lason)345 points

4.You Belong With Me (Taylor Swift)292 points (hotshot  debut)

5.Bakit Nga Ba Mahal Kita (Laarni Lozada)209 points

6.Retro Crazy Megamix (Marian Rivera)188 points

7.Sabay-Sabay Tayo (Marian Rivera)136 points

8.Ay Amor! (La Diva)94 points

9.Don't Trust Me (3OH!3)89 points

10.You Changed My Life (Sarah Geronimo)87 points (greatest airplay)

11Knock You Down (Keri Hilson)87 points

12.Papapparazzi (Lady Gaga)84 points (new)

13.I Gotta Feeling (Black Eyed Peas)83 points

14.Let The Pain Remain (Rachelle Ann Go)82 points

15.LoveGame (Lady Gaga)82 points

16.Radar (Britney Spears)81 points

17.Ego (Beyonce')78 points (new)

18.I Could Break Your Heart Any Day Of The Week (Mandy Moore)78 points

19.Walang Iwanan (6CycleMind)77 points

20.I Know You Want Me (Pitbull) 74 points (new)






Latina Superstar Shakira Is Back With Her Latest Single "She Wolf"




Shakira talked to Rolling Stone about the song: "She Wolf" came to me very mysteriously, I was in the studio in a bad mood that day, then I got inspired and went to a corner and I wrote the lyrics and the melody in 10 minutes. The image of the she wolf just came to my head, and when I least expected it I was howling and panting". Shakira talked further about the song to "Access Hollywood".
"She Wolf" is Shakira's first single taken from her third English studio album, She Wolf. The song has a Spanish version ("Loba") that is being used to promote the English album in Spanish-speaking countries."Loba" premiered on June 29, 2009 and was played on various radio stations. Shakia premiered "She Wolf" on Z100 and KIIS-FM on July 13, 2009. On July 14, 2009 "She Wolf" and "Loba" became available to download from iTunes. "She Wolf" was sent to U.S. radio on July 21, 2009. Shakira wrote and produced the track with John Hill, and Sam Endicott (Lead Singer and Songwriter of The Bravery).

The music video was directed by Jake Nava. It was shot from June 9 to June 12 in Los Angeles, California. It premiered on MTV on July 30th at 8pm and features a live wolf. A video for the Spanish version was also released.[16] Shakira's official website described the video as "An inventively sexy video directed by Jake Nava and featuring the metamorphosis of a woman told through her unique dance techniques".The video premiered as expected to a positive review from MTV. James Montgomery for MTV praised Shakira's dancing skills stating "Shakira has taken the art of body-contorting to new (somewhat unsettling) highs in "She Wolf". She herks and jerks, folds herself in half, torques vertebrae, lifts legs over her head, pops her shoulders in and out of their sockets, hangs upside down, nearly topples over ... the list goes on and on. She out-dances everyone in the business, and even manages to out-Beyoncé".
The video begins with Shakira walking into a closet (leaving her lover asleep) where she bodypops and dances by herself, also paying homage to Michael Jackson's famous anti-gravity lean. Then, the closet transforms into a club with her dancing with five backup dancers. After that, it shows her in a gold cage making seductive poses. The scene switches back & forth. Next, a wolf is walking and then transforms into a girl at the club. In the final scene it shows Shakira dancing on top of a high building and dancing with a ladder. The final scene switches back & forth to every scene in the video.
The UK premier of the music video was online at MSN in late July 2009, although on television it first appeared on 4Music in August 2.


Marian Rivera Fans Assembly, Ilulunsad!




Bago lumipad si Darna sa telebisyon sa Lunes, makikisaya at makiki-party muna si Marian Rivera sa mga nagmamahal sa kanya ngayong Sabado.


Ang Marian Rivera Grand Fans Assembly ay gagawin bilang pasasa­lamat ng aktres sa mga tao­ng sumusuporta sa kanya mula nang magsimula siya sa showbiz hanggang ngayon at pasasalamat na rin sa lahat ng mga biya- yang natatanggap niya.


Para malaman kung paano makakasama sa assembly na ito, mag-log on lang sa website ng GMA Network, ang www.igma.tv.

Wednesday, August 5, 2009

Eat Bulaga,Mawawala Na Nga Ba Sa GMA?


UNTIL now ay number one noontime show pa rin ang Eat Bulaga dahil magaganda ang kanilang iba’t ibang portions. Good karma rin ang show dahil sa magagaling at mababait na hosts nito. Kaya naman maraming advertisers ang naniniwala sa Eat Bulaga. Pero, ano itong naririnig naming balita na tipong mawawala na sa GMA-7 ang Eat Bulaga? Sa pagkawala raw kasi ng Ful Haus sitcom ni Vic Sotto sa Kapuso, dahil papalitan na ito ng show ni Manny Pacquiao, ay nag-damdam umano si Vic kung kaya nagpasyang aalisin na rin nila sa Siyete ang Eat Bulaga, na blocktimer lang naman, at isa si Vic sa mga produAdd Imagecer ng show.

Monday, August 3, 2009

Actor hataw sa pagtikim ng Callboy?!


Tita Mystica
August 2,2009

HATAW pala sa pagtikim sa kapwa lalaki itong isang sikat at talented na “young actor.”

Nagulat talaga ang mga miron sa kanto nang matunugan sa “maboteng” usapan ang kakaibang outlet ng aktor na hindi inakala ng publiko na nagtataglay pala ng berdeng dugo.

Talaga naman kasing imposibleng mahahalata ang aktor na katulad rin siya ng kanyang isang kaibigang matinee idol na “tinitilian” ng mga kababaihang madalas mabiktima ng blind items dahil isa raw bakla.

Mahusay na aktor itong ating paksa at talagang nasukat na sa mahabang panahon ang kanyang de-kalibreng acting na talaga namang kahanga-hanga.

Ngunit lingid sa lahat, mas mahusay raw pala sa acting itong actor tuwing kasama sa kama ang kapwa lalaki para tikman ang kakaibang ligaya.

Pero talagang hindi mahahalatang may ikinukubling kakaibang pagkatao itong actor dahil madalas itong ma-link sa mga kababaihan.

Sa katunayan, tumagal ang relasyon nito sa dating ka-love team na sikat na sikat pa rin hanggang sa ngayon kumpara sa kanilang mga kasabayan sa industriya.

Biktima kasi ang aktor ng matabil na bibig ng isang politiko na isang closet queen rin at nagkataong naging kliyente sila ng isang hindi naman guwapo pero malakas ang dating na high end na call boy.

Nasagap ng radar ng ating Maskulangot ang balita at talaga namang “hayop” daw maglandi itong aktor sa mga katulad niyang anak ni Adan.

Tatalunin raw ng aktor ang “perfor-mance” ng isang “torera” sa isang “torohan” dahil ta-laga namang feel na feel nito ang pagiging babae.

Sa mga call boy, hindi kayo mapapahiya sa aktor kapalit ng maayos na serbisyo dahil galante itong magbayad mula P15,000 hanggang P25,000.

Pero marami, talaga ang nanghihinayang dito sa aktor sa kakaibang pagkatao nito na pilit ikinukubli sa publiko.

Sikat na sikat pa rin naman ang aktor na hindi matiyak ng ating Maskulangot kung talagang bakla o AC-DC lamang kahit nagpalipat-lipat na ng istasyon.

Masasabing mabuting anak rin ang aktor sa kanyang mga magulang dahil sa magandang kalooban nito. Anong say mo mareng Jawlens?

Rico Barrerra, Isang Taon nang Walang Project sa Dos!




Mas guwapo pala si ex-PBB (Pinoy Big Brother) graduate na si Rico Barrera in person than on TV nang makita namin sya ng personal.

Mahigit isang taon na rin pala siyang bakante at wala raw project ngayon sa ABS-CBN na natapos na rin ang exclusive contract sa Star Magic.

Nang mag-end ang kontrata niya sa kanyang mother studio, umuwi muna si Rico sa Subic, Olongapo para tumulong sa parents na nagpapatakbo ng isang pawnshop at resort.

Pero bumabalik din daw siya sa Manila kapag may mga booking ng show at raket sa rampa.

Ilan sa shows na nagawa niya sa ABS-CBN ay Super Inggo, Maalaala Mo Kaya (The Rico Barrera Story), Gulong ng Palad, Your Song at Kahit Isang Saglit.

Gusto na ring subukang mag-freelance ni Rico.

Kung may pagkakataon, type daw niyang ma-ging Kapuso katulad ni Say Alonzo (batchmate niya sa unang season ng PBB).

Rico is included in the cast ng Marino with Ara Mina, Bangs Garcia at Al-len Dizon. He plays a seaman who falls in-love with a guy.

Fantaseryeng Darna, Sa August 10 na ang Premiere!


Kagabi ang presscon ng Darna at humarap sa press si Marian Rivera na naka-costume, headress at kompleto ang gadget na gagamitin niya sa pagsagupa sa mga kalaban. Itinuro nito kung ano ang gamit ng bawat gadget.

Mas pambata ang istorya ng Darna, kaya marami ring bagets sa cast sa pangunguna ni Buboy Villar as Ding at kung maayos ang schedule, baka pati si Arkin Magalona ay makasama sa cast.

Kasama sa cast si Celia Rodriguez na minsan nang naging Valentina sa naunang Darna. Tsika nito, binibigyan niya ng tips si Iwa Moto kung paano maging effective Valentina.

Isa ito sa serye ng GMA-7 na may pinaka-maraming cast at patuloy na madadagdagan ang cast habang umeere ang Darna. Sa Lunes (August 10) na ang premiere nito.