Thursday, April 30, 2009

Mau Marcelo, Most Favorite Diva!


After all votes tallied sa SC.com,nalaman na rin natin sa wakas kung sino talaga ang most favorite diva sa Pilipinas.Ayon sa poll survey na ginawa ng SC.com,nakakuha ng pinakamaraming votes ang kauna-unahang Philippine Idol na si Mau Marcelo.Tinalo ni Marcelo ang 15 Diva sa ating list.Nakakuha si Marcelo ng 1,715 votes (26%).Nakakuha naman ng pangalawang pwesto si Jayann Bautista,runner up ng Pinoy idol Season One,1,269 votes.Pangatlo naman si Asia's songbird Regine Velasquez na nakakuha ng 1,250 votes.Sumunod dito si Maricris Garcia na winner ng PPS Year 3,792 votes.Panglima naman si Aicelle Santos na nakakuha ng 577 votes.Pop Princess Sarah Geronimo sa pang-anim na puwesto,545 votes.Pangpito si Jonalyn Viray na nakakuha ng 249 votes.At si Kyla naman na may 130 votes sa pangwalong pwesto.
Si Mau Marcelo ay tubong Lucena City at isa sya sa mga beterana when it comes sa mga singing contests.Sa katunayan,before sya sumali at manalo sa Philippine Idol,Sumali na rin pala sya sa Star 4 A Nite na kung saan si Sarah Geronimo naman ang nanalo.Nagkaroon din sya ng 5 album at naging kalahok din sya sa Asian idol.Si Mau Marcelo ay napakagaling na mang-aawit.Tinatawag din syang Soul Idol at Black Belter dahil sa galing naya lalo na sa R&B.Nagkaroon din sya ng mga guestings on TV gaya ng ASAP at SOP pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin syang regular na programa.Wish ko para kay Mau ay sana mgakaroon sya ng magandang project this year at sana gumanda rin ang kanyang career as a singer dahil talaga namang mahusay sya.
Congratulations ulit kay Mau Marcelo,ang most favorite Diva ng bansa.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!