Sunday, May 17, 2009

Angel Locsin at Sam Milby May Magandang Chemistry!

IBANG Angel Locsin ang napapanood ng televiewers sa Only You ng ABS-CBN. Hindi siya ngarag dito at tensyonado na katulad ng role niya noon sa Lobo.

“Mas relax ako dito dahil light-romance lang ‘yung ginagawa namin. Sobrang nag-i-enjoy ako dito dahil hindi masyadong masakit sa dibdib ‘yung acting ko,” pahayag ng aktres.

May kilig factor din ang tambalan nila ni Sam Milby who will be celebrating his birthday this week. Nakatulong ng malaki ang bonding moment nila sa Korea para makitang okey sila sa screen.

Sa mga nang-iintriga kung posibleng ma-develop si Angel kay Sam ay natawa na lang ang dalaga. “Magkaibigan kami ni Sam at masarap siyang katrabaho,” safe niyang reaksyon.

Samantala, masaya ang ABS-CBN sa feedback at rating ng Only You na pinagbibidahan din ni Diether Ocampo at sa direksyon ni Rory Quintos.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!