Monday, May 18, 2009

Jennylyn Mercado At Becky Aguila, May Tampuhan Nga Ba?


Ano ba ang totoo sa isyung nawala raw si Jennylyn Mercado nu’ng nakaraang Sabado kaya hindi nito nasipot ang commitments niya for that day?

Hanggang ngayon marami pa rin ang hindi naniniwalang may sakit lang si Jen kaya hindi nagpakita sa ilang TV guestings.

May isyu kasing nawala raw siya.

Sa panayam kay Jen ng Startalk, sinabi nito na hindi siya nawala gaya ng pinapalabas ng ibang tao.

Mariing sinabi ni Jen, nagkasakit daw siya at nasa kuwarto lang siya sa bahay nila buong araw.

Dagdag pang paliwanag ng aktres, kaya raw hindi alam ng ina niyang si Mommy Lydia kung saan siya that day ay nasa kuwarto ito ni AJ (Alex Jazz, anak ni Jen) at binabantayan ang apo.

Ayaw naman daw lumabas ni Jen at baka mahawa pa ang anak sa sakit niya that day.

Masakit daw talaga ang lalamunan ng aktres at wala siyang boses nu’ng araw na ‘yun at hindi raw knows ni Jen kung saan nanggaling ang isyung nawala siya.

Sa panayam pa rin ng Startalk kay Jennylyn, mariing itinanggi ng aktres ang intrigang may tampuhan sila ng manager niyang si Becky Aguila.

Wala rin daw umanong kaugnayan ang mga pangyayari sa hindi pa paglabas ng much-talked about niyang coffee-table book, talagang deny ever si Jen sa intrigang ito, huh.

Hanggang ngayon ay nagti-text pa rin daw sila ni Tita Becky at wala silang tampuhan. Kumbaga, bukas pa rin ang communication lines between them.

Ayaw namang mag-komento ni Jennylyn sa mga sinabi ni Bing Garcia, ina ng ex-boyfriend niyang si Patrick, sa isang interview.

Gusto nang mag-move on ni Jen at tila ayaw na niyang pag-usapan ang bahagi ng ito ng buhay niya.

3 comments:

  1. jen is beautiful girl..

    ReplyDelete
  2. another snooky serna in the making.nagloloka lokahan.naku gme palitan na yang babae na yan..

    ReplyDelete
  3. jennylyn is a brave woman and she is getting better better and prettier.keep it up jen.

    ReplyDelete

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!