Friday, May 8, 2009

Mark Herras Di Pa Ready Sa Paghuhubad


Straight to the point si Mark Herras na ayaw na niyang magsuot ng swimming trunks sa isang eksena sa Paano Ba Ang Mangarap ng GMA 7.


Bago pa simulan ang afternoon soap nila ni Jennylyn Mercado, alam na ni Mark na may eksenang kukunan sa isang swimming pool na kung saan ay nakasuot lang siya ng trunks.


Hindi nga lang `yon makunan-kunan pa noon dahil hindi pa maganda ang katawan ni Mark.


Kaya ang nangyari, hinayaan muna si Mark na magpaganda ng katawan.

Halos araw-araw nga ay nagpupunta si Mark sa gym para magpaganda ng katawan.


Pero, ang nakakaloka, ngayong maganda na ang katawan ni Mark, umaa­yaw na siyang magsuot ng swimming trunks. Hindi na raw niya gusto na magpakita pa ng katawan sa harap ng kamera.


Sa ngayon, pinagdarasal ni Mark na huwag na raw kunan pa ang naturang eksena.


Para kay Mark, mas maganda kung mag-concentrate na lang sila sa mga drama scenes nila ni Jennylyn. Naniniwala rin si Mark na hindi niya kailangang magpakita ng katawan para lang tumaas ang ra­tings nila.


Katunayan, mataas daw ang ratings nila ngayon, dahil marami pa rin ang nagmamahal sa love team nila ni Jen.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!