Wednesday, June 3, 2009

Kuya Germs, Todo-Suporta sa Himig Ariel Workshops


Tuloy ang suporta ni Kuya Germs sa mga Pinoy na may talento. Katunayan, dadayuhin pa niya ang SM Fairview bukas para lang suportahan ang mga scholars ng Himig Ariel Workshop.


Sasamantalahin na rin ni Kuya Germs ang okasyon, dahil iaanunsiyo nga niya ang selebrasyon ng City of Stars, na ipinasa ng konseho ng QC sa pangunguna ni Kon. Ariel Inton.


Ang Himig Ariel Scholars ay may 500 aktibong mag-aaral na libre ang matrikula. Si Aaron Suba ang pinakabatang scholar sa edad na 7, at si Mang Ben naman ang pinakamatanda sa edad na 65. Kapansin-pansin din ang talento ng isang bulag na si Jean Marier Abenilla.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!