Wednesday, June 10, 2009

Lolit Solis, Publicist nga ba ni Katrina?


Gustong linawin ni Lolit Solis na hindi siya ang publicist ni Katrina Halili, gaya ng mga lu­malabas na balita.


Ipinaliwanag ni Lolit na siya lang ang nag-organize ng dalawang presscon noon para kay Katrina dahil hindi niya matanggihan si Rommel Gacho.


Si Rommel ang manager ni Katrina at parang anak na ang turing sa kanya ni Lolit dahil mahigit sa isang dekada na ang tagal ng kanilang friendship.


Dalawang press con ang ipinatawag noon ni Lolit para kay Katrina at nangyari ito, bago pumu tok ang sex vi deo scandal nila ni Hayden.


Gaya ng friendship nila ni Rommel, pinahahalagahan ni Lolit ang friendship nila ni Dra. Belo. Kahit binabatikos niya si Hayden, naninindigan si Lolit na ma buting kaibigan na dapat ipagtanggol si Dra. Belo.


Hindi natutuwa si Lolit sa latest development ng imbestigasyon sa sex video scandal dahil si Dra. Belo na nga ang naagawan noon ng boyfriend, siya pa ngayon ang itinuturo na mastermind sa pagkalat sa Internet ng mga sex video ni Hayden.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!