Monday, July 6, 2009

Pelikulang Bente, Showing na Bukas


Bukas na ang showing ng digital movie ng APT Films na Bente na pinagbidahan nina Richard Gomez at Sen. Jinggoy Estrada.
Very positive si Goma na tangkilikin ang pelikulang ito dahil matino raw at tiyak na magugustuhan ng mga manonood.
Kahit malakas ang foreign films na katapat nito, may sariling viewers daw itong Bente. Kaya sana, lumabas daw sila at panoorin ang pelikulang ito.
Sa presson ng pelikulang ito nu’ng Linggo ay naging biruan na nina Sen. Jinggoy at Goma ang pagpasok muli ng huli sa pulitika.
Cong. Richard Gomez na ang tawag ni Sen. Jinggoy kay Goma. Nagpahayag si Sen. Jinggoy ng buong suporta sakaling ituloy ni Goma ang pagtakbo bilang Congressman sa 4th district ng Leyte.
Samantala, doon na rin sa presscon ng Bente in-announce sa amin ni Sen. Jinggoy na gagawin nila ang part two ng Katas ng Saudi.
Nag-uusap na sila ni Direk Joey Reyes para sa script at sinabi na rin niya ito kay Lorna Tolentino na makakasama pa rin niya sa proyektong ito.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!