Thursday, July 16, 2009

John Pratts,Nasa Cast Din ng "Oh My Girl"


NASA cast din ng Oh My Girl nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid si John Prats.

Alam ni John na paborito siya ng Regal Films, kasi hindi siya nawawalan ng project sa production ni Mother Lily Monteverde.

Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa biya-yang tinatanggap.

Gaganap siya sa Oh My Girl bilang ever supportive na kapatid ni Ogie.

Siya ang nakaaalam nang lahat ng ginawa ni Ogie para mapalapit muli kay Juday na isang sikat na artista sa movie.

Dahil si John ang kausap namin, hindi maaalis na pag-usapan ang kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao.

Ayon kay John, sobrang proud siya dahil siya ang unang boyfriend ng bunsong kapatid ni Vina Morales.

Maging sa career move ay suportado nila ang isa’t isa.

Pumayag din si John na mag-swimwear si Shaina kasi may ipakikita naman itong beautiful legs.

Kung pagpapaseksi naman ni John ang pag-uusapan ay ok lang daw ito kay Shaina.

Kahit pa raw mag-pose ang binata ng naka-brief lang, kaya ngayon pa lang ay pinag-iisipan na ito ni John tulad ng sexy pictorials nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

Malamang sa next Bench fashion show ay magpapakita na rin ng kamachuhan si John.

Showing na ang Oh My Girl sa July 29.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!