Tuesday, July 21, 2009

Manilyn Reynes, Sunod-sunod ang mga Projects


Sunud-sunod ang project ni Manilyn Reynes sa TV and movies at nakagawa pa rin siya ng album. Kasama siya sa mga pelikulang Oh, My Girl! at LOL o Love Online at sa TV, regular siya sa All My Life at siya ang gaganap na Eva Castillo sa SRO Cinemaserye Presents: The Eva Castillo Story na magsisimulang mapanood bukas, July 23 sa GMA-7.

Maraming similarities sina Manilyn at Eva, gaya nang pareho silang sumasali sa amateur singing contest at pareho ring inaapi at pareho silang ina na priority ang mga anak.

Hindi lang makapa-niwala si Manilyn na fan ng love team nila ni Janno Gibbs si Eva at nagkita na sila noong samahan ni Eva ang pinsan niyang pu-munta sa bahay ni Ma-nilyn.

Samantala, sa All My Life, muntik nang sabihin ni Sally (Manilyn) kay Romina (Kris Bernal) kung bakit naging magkaaway sina Gary (Jay Manalo) at Romano (Zoren Legaspi).

Nanghiram si Marita (Lani Mercado) nang mamahaling alahas para magamit sa pagkikita nila ni Amelia (Gelli de Belen), pinaghahandaan niya ang pagkikita nila ng dating kaibigan.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!