Friday, July 31, 2009

Mark Anthony Fernandez Enjoy Kasama si Marian!


NASABI ni Mark Anthony Fernandez napakasu-werte niya at nasama siya sa TV series with Marian Rivera.

“Natutuwa lang talaga ako dahil marami namang mapagpipilian na maging leading man ni Marian sa Darna ay sa akin pa napunta ang role na leading man nito sa series.

“Nakakatuwa talaga, kasi puro magaganda at mababait ang nagiging leading ladies ko sa GMA-7. Nandi-yan sina Sunshine Dizon (Impostora), Regine Velasquez (Ako Si Kim Samsoon), Iza Calzado (All About Eve), Heart Evangelista (Luna Mystica) at ngayon si Marian Rivera. Parang ang ganda ng takbo ng career ko ngayon.

“Kaya ayoko ma-miss ang bawat opportunity ngayon. Pinagkakatiwalaan tayo kaya ipinapakita ko rin na gustung-gusto ko ito. Lalo na itong Darna na marami nang nag-aabang,” ani Mark.

Aminado rin si Mark nang una taping nila ni Marian ay nahihiya siya sa dalaga.

“Nagkakausap na kami at nakakatuwa pala siyang kasama. Nagkakakuwentuhan na kami rin kami nga-yon,” nakangiti sabi pa ni Mark.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!