Thursday, July 30, 2009

Sarah Geronimo, Happy na Makasama si Judy sa Pelikula


KAMAKAILAN sa Showbiz News Ngayon ay na-interview si Sarah Geronimo tungkol sa diumano’y pagsasamahan nilang movie ng young superstar na si Judy Ann Santos.

Tuwang-tuwa si Sarah at sana’y matuloy daw ang naturang proyekto.

Ayon sa magaling na singer at Box Office Queen, hinihintay na lang niyang matuloy ang project kung saan challenging daw ang kanyang magiging role.

Happy rin ang Pop Princess na makatrabaho si Juday, na isa ring Box Office Queen at napakahusay na aktres.

“Blessing na naman from God na makatrabaho ko ang nag-iisang Judy Ann Santos.”

Dahil sa mga blessing na dumarating sa singer-actress ay nagpapasalamat ito sa lahat ng ABS-CBN staff at kanyang ASAP family sa mga suportang ibinibigay sa kanya.

Katatapos lang ng birthday celebration ni Sarah, at aniya, ang mga magagandang proyekto na dumating sa kanya ay hinding-hindi niya makakalimutan bilang birthday gift ng Kapamilya.

Samantala, maging si Judy Ann ay excited nang masimulan ang pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah.

Bilib daw siya sa dalaga at nasisiguro niyang mas mahahasa pa ang acting nito pagdating sa drama.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!