Tuesday, July 21, 2009

Sunshine at Polo, Nagkakamaabutihan Ulit?


Gaano kaya katotoong mukhang nagkakamabutihan nanaman ang ex-sweethearts na sina Polo Ravales at image model ng Fragrances of the stars na si Sunshine Dizon?

Kitang-kita raw ng mga staff kung gaano ka-sweet si Polo kay Sunshine kaya naman hindi maiwasang biruin ang dalawa ng mga kinikilig na staff ng Dear Friend.

Kinausap namin si Sunshine sa soap noong Sunday at natawa na lang ito sa nasabing balita.

Totoo raw na sweet sila ni Polo sa isa’t isa dahil close friend sila.

Kahit nga raw hindi na-ging successful ang kanilang past relationship ay nanatili naman silang good friends.

Hanggang doon lang daw sila ni Polo at wala nang mas malalim pa roon.

Sa ngayon ay wala pang balak mag-entertain ng suitors si Sunshine dahil mas gusto nitong mag-concentrate sa kanyang trabaho at sa planong magkaroon ng negosyo.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!