Monday, July 6, 2009

"The Weddings", Maganda ang Feedback


It’s good to hear na maganda ang feedback at ratings ng The Wedding nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Zanjoe Marrudo, na gabi-gabing napapanood sa ABS-CBN Primetime Bida.

Talbog nito ang kalabang show sa Siyete, huh! Mula sa comparative TV ratings ng ABS-CBN and GMA-7 programs mula June 30 to July 2, base sa overnight ratings of AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households, noong June 30 (Martes), 20.3% ang nakuha ng The Wedding, kumpara sa Cruel Love ng GMA-7.

Last July 1 (Wednesday), 20.2% ang The Wedding at 18.4% ang Cruel Love.

Although kinabuka-san (July 2, Huwebes) ay nakabawi ang Cruel Love with 19.1% while The Wedding had 17.2%.

Pero happy ang production staff ng The Wedding dahil bukod sa original Pinoy romantic-comedy ang handog nila, mas maraming araw sa buong week sila mas mataas kaysa sa kalaban.

Kumbaga, matinding “bakbakan” pa rin ang GMA and ABS-CBN shows for the primetime supremacy sa Mega Manila, ayon sa lehitimong AGB Nielsen Philippines, kung saan mas maraming malalaking kumpanya ang nagsu-subscribe.

Very happy siyempre sa balitang ito ang tatlong stars ng show, lalo na ang dalawang director na sina Jeffrey Jeturian and Mae Cruz.

At siyempre, ang executives-in-charge sa production na sina Enrico Santos and Raymund Dizon.

“Nagbunga rin ang efforts namin and it’s worth the long wait,” masayang sabi naman ni Anne.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!