Saturday, August 29, 2009

Baklas (Indie Film)

Bongga naman ang preskon ng indie film na Baklas (human organs for sale) dahil ang venue lang naman ay sa isang yate na naka-park sa Manila Bay. Ayon kay Direk Buboy Tan, ang istorya ng Baklas ay base sa aktuwal na nangyayari lalo na sa mga taga-Baseco Compound na dahil sa kahirapan ng buhay ay sige na lang sa dramang kapit sa patalim as in nagbebenta ng dugo sa una, sumunod ay ngipin, sumunod ang mata at ang panghuli ay kidney kapalit ng maliit na halaga. Lead stars dito sina Roi Vinzon, Rosanna Roces, Ma. Isabel Lopez, Liza Morena, Melissa Sanchez, Jao Mapa, Aiza Marquez and Vei Vera na dating sex star as Kudette Honasan. Maganda ang tagline ng Baklas that goes... “in a desperate community, everything is a commodity.”

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!