Saturday, August 29, 2009

Starstruck V Launching On SOP


NANGANGARAP ba kayong sumikat sa telebisyon at maging tanyag na artista rin? This Sunday (Aug.30), isang engrandeng launching ang mapapanood sa SOP dahil magsisimula na ang pinakaaabangang reality ar-tista search ng GMA7, ang StarStruck 5. Ang mga kabataan may edad 16 to 23 years old, ba-bae o lalaki, Filipino citizen at may natatanging talent sa pagkanta, pagsayaw at acting ay maaaring magpunta sa GMA Network Drive ngayong Linggo, simula alas-10 ng umaga at kumuha ng StarStruck application forms. Magkakaroon din ng simultaneous live remote feeds at release ng application forms sa SM Cebu, SM Davao, SM Iloilo at Stadia sa Dagupan. Sa mga nais sumali, magdala ng original birth certificate at whole body and close-up photos. Kailangan mayroon ding written consent mula sa parents ang mga aplikanteng nasa 18 years old pababa at magdala rin ng original at photocopy ng valid ID‘s upang makasali sa auditions. Maliban sa pagsalubong sa SOP, makikisaya rin ang Kapuso stars sa engrandeng selebrasyon para sa launching ng Starstruck V. Sa SM Cebu Event Center, makiki-party ang for-mer StarStruck graduates na sina Ryza Cenon, Rich Asuncion, Mike Tan, Rai-nier Castillo, Yasmien Kurdi at Arnel Ignacio. Sina LJ Reyes, Iwa Moto, Jackie Rice, Chariz Solomon, Jan Manual, Chuck Allie, Arci Muñoz at Sunshine Dizon ay makiki-party naman sa SM Davao Event Center. Nasa SM Iloilo Open Par-king naman sina Mark Herras, Mart Escudero, Prince Estefan, Dex Quindosa at Allan K. Samantalang itotodo naman nina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Paolo Avelino, Pauleen Luna, Glaiza de Castro, Gian Magdangal, Mae Sex Bomb, Dennis Trillo, Harry, Jennica Garcia, Heart Evangelista, Jan Nieto, Chris Cayver, Matteo Guidicelli at Gerald Santos ang pagsalubong sa StarStruck sa Stadia sa Dagupan. Ito na ang pagkakataon ng mga nangangarap na kabataan na maging sikat na artista. Para sa mga nasa Metro Manila, ngayong Linggo rin ang pila sa GMA Network Drive para kumuha ng application forms kasabay ng mga nabanggit na SM branches.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!