Sunday, September 13, 2009

Allan at Aiza, Muling Magsasama Sa Show



Memorable kay Allan K ang unang pagsasama nila ni Aiza Seguerra sa isang concert dati na prinodyus ng anak ni Mother Lily Monteverde sa Dagupan.

“Hinintay talaga si Mother, eh, first time niya ako mapanood. Sabi ko talaga, sisiguraduhin kong pagkatapos ng show na ito, may pelikula ako, hayun, nagkaroon ng Bahay ni Lola kami ni Aiza, hayun na-nominate pa akong Best Actor,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Allan.

Ngayon ay magsasama na naman sila ni Aiza sa isang show na gaganapin ngayong gabi, September 12, sa Zirkoh, Greenhills.

“Si Aiza…isa pa rin siya sa may pinakamagandang boses. Siya ang masasabi mong crystal voice sa local recording natin. Crystal, grabe…sobrang linis,” say pa ng TV host-comedian.

“Iba siya. Siya ang narinig ko na may pinakamagandang version ng Open Arms. Acoustic lang, pero ang kinis…ang linis. May magic siya sa entablado. Nakaupo lang naman…naggigitara…effortless,” papuri pa ni Allan kay Aiza.

Kumpletos rekados ngayong gabi, dahil bukod kina Aiza at Allan, nandiyan din ang Mocha, sina Josh Santana, Myrus (nag-revive ng Sayang ni Claire dela Fuente) at ang Himig Ariel scholars.

1 comment:

  1. si regine ba ito? gosh..mukha syang lalake..lol

    ReplyDelete

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!