Wednesday, September 2, 2009

Ara Mina At Manny Pacquiao Nagkikita Pa Nga Ba?


HALATA ang pagkairita ni Ara Mina nang tanungin kung totoo ba ang balitang nagkita sila ni Manny Pacquiao sa Pan Pacific Hotel sa Ermita, Manila, kamakailan lang.

“Hay naku, hindi totoo ’yang tsismis na ’yan. Palagi na lang may ganyang isyu tuwing may laban si Manny. Bakit ba ayaw mamatay ng isyung ’yan?” nagtatakang pahayag ni Ara.

“Nagkikita lang kami noong gumawa kami ng pelikula. Kahit sa GMA, hindi rin kami nagkikita ngayon. Wala talagang ganu’n. Baka naman iba ang nakikipagkita sa kanya na gusto lang nilang pagtakpan kaya ako ang ginagamit nila,” sabi pa ni Ara.

“I-guest nila ako sa Show Me Da Manny para magkita kami. Hahaha!” pahayag niya. “Kaya lang, pumayag naman kaya si Manny na mag-guest ako sa show niya? Hahaha!”

Apektado ba ang relasyon nila ng kanyang boyfriend sa mga tsismis tungkol sa kanila ni Manny?

“Hindi!” tugon agad niya. “Alam niya kasi kung ano ang totoo, eh. Minsan nga, siya pa ang nagsasabi na may tsismis sa amin ni Manny. Pero sa kanya, wala lang. Hindi niya siniseryoso, kasi alam niya kapag may free time ako, siya ’yung kasama ko,” kuwento pa ni Ara.

Meanwhile, magiging abala rin si Ara sa taping ng bagong teleserye sa GMA, ang Tinik sa Dibdib, na pinagbidahan noon nina Nora Aunor, Dina Bonnevie, Pilar Pilapil at Phillip Salvador.

Sa TV version ng Tinik..., siya ang gaganap ng role ni Pilar. Si Sunshine Dizon naman ang Nora Aunor.

Kuntento na ba siya na palaging role ng kontrabida ang napupunta sa kanya?

“Okey lang naman sa akin kahit anong role. Minsan nga, mas masarap pang maging kontrabida kasi napapaglaruan mo ’yung character na ibinibigay sa ’yo.”

Sa September na magsisimulang mag-taping si Ara ng Tinik sa Dibdib na ipalalabas sa Dramarama sa Hapon ng GMA.

1 comment:

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!