Friday, September 4, 2009

Hosting Job ni Jolina Magdangal sa Starstruck, Sinulot Nga Ba Talaga ni Carla?

Hindi maaapektuhan ang taping ng Rosalinda kahit magho-host si Carla Abellana ng StarStruck V dahil every Sunday lang sila host ni Dingdong Dantes.

Weekdays ang taping niya ng soap, kung saan kinakikitaan siya ng malaking improvement sa acting.

Alam ni Carla na makukumpara siya kay Jolina Magdangal, balak niyang humingi ng tips dito kung paano maging effective host ng SSV ’pag nakita sa SOP.

Ipinagdiinan nitong hindi niya sinulot ang hosting job kay Jolina at ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Inamin pala ni Carla na naghihintayan sila ni Geoff Eigenmann sa taping ng Rosalinda para sabay umuwi sa kani-kanyang car.

Hindi nanliligaw sa kanya ang actor kahit dumadalaw sa bahay niya at minsan, nag-abot pa sila ni JC Intal na sabi ni Carla, hindi rin niya BF at “the guy” kung tawagin. Wala raw siyang commitment sa dalawa kundi sa Rosalinda at SSV.

Samantala sa Rosalinda, alam na ni Alfredo (Ariel Rivera) na hindi si Fedra (Katrina Halili) ang kanyang anak.

Kukunin ni Valeria (Sheryl Cruz) si Erika at mababaril niya sina Javier at Soledad na karga ang bata, pero humarang si Fedra at siya ang tinamaan ng baril.

1 comment:

  1. i don't think nanulot si carla..gma network pa rin siguro yung nagdecide..i like jolens so much..sana naman mabigyan ulit sya ng mas maraming projects sa tv at movie.

    ReplyDelete

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!