Monday, September 21, 2009

Marian Rivera, Tuloy Pa Rin Sa Taping ng Darna Kahit May Sakit



Lalabas na this week sa Darna ang Babaing Lawin (Ehra Madrigal) at siya ang bagong makakalaban ni Darna. Pinaghandaan ni Ehra ang kanyang role at para sexy siya sa kanyang costume, todo diet ito at apple at crackers lang ang kinakain.

Si Marian Rivera naman, sa sobrang pagmamahal sa Darna, kahit may sakit, tuloy ang taping. Sa Thursday taping, humingi lang ito ng konting oras para mag-rest at nag-report din sa taping. Off-cam, matamlay siya, pero ’pag harap sa camera, masigla na.

Si Ricky Davao naman ay muntik mag-collapse sa taping last Thursday dahil sa puyat at pagod at nadagdagan pa na kailangan niyang tumawa nang malakas bilang si Dr. Morgan.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!