Wednesday, September 30, 2009

Mga TV Programs, Apektado Ng Bagyong Ondoy


DAHILsa bagyong Ondoy , walang nakasipot na contestants ng Celebrity Duets last Saturday.
   
Maraming nag-attempt na pumunta sa studio na contestants at ka-duet na celebrity, pero hindi sila na-karating dahil sa nangyaring pagbaha.
   
Hindi lang naman ang Celebrity Duets ang apektado ng bagyo, maging ang ibang programa ng ibang TV stations ay nag-replay din dahil sa bagyo.
   
Ang nag-live lang last Saturday ay ang Startalk, kung saan ipinakita ang karanasan ng mga artistang biktima ng baha, tulad nina Cristine Reyes, Sylvia Sanchez, Gladys Reyes,mag-inang Jean Garcia at Jennica Garcia.
   
Sa taga-GMA, ang grabeng nabiktima ay ang senior program manager na si Ms. Redgie Magno-Acuña,.
   
Nalubog kasi sa baha ang buong first floor ng kanilang bahay, kasama ang kanyang dalawang kotse, sa may Marcos Highway.
   
Isa rin sa nilubog ng baha ang bahay ay ang showbiz columnist na si Erlinda Rapadas na nakatira sa Executive Village sa Marcos Highway.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!