Tuesday, September 22, 2009

Piolo Pascual, Sinapawan ni Zanjoe?



Sa presscon ng Lovers in Paris ay binibiro si Zanjoe Marudo na baka masapawan pa niya si Piolo Pascual sa naturang serye. Puring-puri kasi siya ng direktor na si Eric “FM” Reyes sa proyektong ito kaya mukhang may tendency na matalbugan niya ang co-leading man niya.

“Wala namang ganung tumatakbo sa isip ko habang ginagawa namin itong project na ito,” say ni Zanjoe.

“Kasi para sa akin, makasama lang sa show na ito, makasama ko lang sila, kinakabahan na nga ako. Paano ko pa kaya gagawin kung mananapaw pa ako ng ibang artista, ’di ba? Ginagawa ko lang kung ano ‘yung gusto ng direktor, kung ano ’yung kailangan sa show. Kaya kung mayroong matutuwa sa acting ko, okay ako.”

Dagdag pa niyang biro, “hindi ko talaga masasabi na masasapawan ko si Carlo (Piolo’s character) sa pag-akting, pero sa kaguwapuhan medyo, baka lumamang tayo.”

But seriously, ani Zanjoe, isang karangalan daw sa kanya na makasama sina Piolo at KC sa isang proyekto.

“Makasama ko lang ang mukha ni Piolo sa screen, ni KC, pati ’yung ibang malalaking artista, makasama ko lang sila eksena, masaya na po ako. Masasabi ko na pagkatapos ay mami-miss ko talaga itong show na ito. Lalo na ’yung direktor namin na tinututukan ako sa bawat eksenang gagawin ko,” say pa ng aktor.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!