Thursday, November 12, 2009

Roderick Paulate Talks About Rosalinda



Tiniyak ni Roderick Paulate na magugustuhan ng viewers ang ending ng Rosalinda dahil mas pinaganda ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Two weeks pa sa ere ang soap, pero nag-last taping na sila at mami-miss ni Dick ang bumubuo ng “Kuya Dick Core Group” kasama sina Glydel Mercado, Sherilyn Reyes, Gary Estrada at Ayen Laurel.

After each taping, sama-sama silang kumakain sa labas.

Samantala, ayaw isipin ni Dick ang Pasko dahil nalulungkot lang siya’t wala na nga ang ina. Gusto niyang magbakasyon, pero nagi-guilty at parang inabandona niya ang mga kapatid. Para hindi masyadong masakit, iniisip na lang niyang nagbabakasyon lang ang ina.

Alam na pala namin kung ano ang ibinulong at ipinaalam ni Dick sa inang si Paz Paulate bago ito pumanaw, pero hindi pa right time para sabihin kung ano ’yon

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!