Monday, June 15, 2009

Adik Sa'Yo Latest Update


NGAYONG Martes sa Adik Sa ‘Yo, mapapadpad si Karen (Jennica Garcia) sa Batangas kung saan makikilala niya si Ruben (Dennis Trillo) matapos itong muntikang maaksidente sa bukid na pinagtatrabahuhan ng binata. Dahil sa sobrang pagka-konsensya, kukupkupin ng pamilya ni Ruben ang spoiled na si Karen kasama pa ang assisstant nitong si Emilene (Charize Solomon).

Samantala, makikisimpatiya si Joana (Jolina Magdangal) kay Carlos (Marvin Agustin) sa lungkot nito, at sabay silang malalasing.

Kinabukasan, magugulat na lamang sila dahil pareho na silang walang saplot sa katawan! Kahit may lihim na pagtingin si Joana kay Carlos ay mas pipiliin nitong kalimutan ang nangyari at hanapin na lamang ang naglayas na ka-patid.

Matapos magkrus ang mga landas ng apat na bida, ito na kaya ang simula ng maganda nilang pagtitinginan? Mabaling kaya ang pagti-ngin ni Ruben kay Karen? Paano kaya makaka-move on si Joana matapos ang naganap sa kanilang dalawa ni Carlos?

Abangan ang mga nakakakilig at nakakatuwang tagpo sa Adik Sa ‘Yo nga-yong Martes pagkatapos ng Totoy Bato sa nangungunang GMA Telebabad.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!