Monday, June 15, 2009

Young Actress, Prima-Donna?

Iritang-irita pala ang mga staff sa young actress na ito na ngayon pa lang naging bida sa isang primetime series.
Tingin ng mga staff, lumaki agad ang ulo ng young actress dahil nabigyan ito ng magandang break ng kanyang mother studio.
Hirap na hirap silang tawagin ito kapag nasa taping dahil ang tagal bago pumunta ng set.
Kapag kinakabitan ito ng lapel, nagtatanong agad kung kukunan na ba siya. Kung pinapa-standby pa lang muna, hindi ito magpapakabit ng lapel dahil naiinitan siya.
Doon na lang daw muna siya sa dressing room at tawagin na lang daw kung magti-take na.
Kapag ready na ang set, saka na lang nila tinatawag si young actress, pero nakakatatlo, apat o limang tawag na ang mga staff bago ito lumabas.
Feeling sikat na ito at may prima donna na paepek na si young actress kaya kinaiiritahan na ito ng mga staff.
Mabuti pa raw ang iba pang mas sikat sa kanya, wala silang kapruble-problema. Pero dito sa young actress, sobrang nahihirapan sila.
Ano pa kaya kung nag-hit itong series niya? Baka lalo silang mahirapang katrabaho si young actress.

1 comment:

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!