Friday, July 31, 2009

All About Jed Madela...


PARANG concert ang birthday presscon ng Star Magic, since karamihan ng July celebrants ay singers.

Siyempre, hindi nagpatalo ang world champion na si Jed Madela (July 14 ang birthday niya).

Habang kinakausap ng entertainment press si Jed, tinanong namin siya kung ano ang kantang nagmarka sa kanya o ‘yung paborito niya sa album niyang Songs Rediscovered 1 & 2?

“Gusto ko ‘yung The Past. Kahit sa malls, ‘pag nakikita ako ng mga tao, ‘yun na ang nagiging second name ko, sinasabi nila, “aay, si The Past o!” natawang kuwento pa ni Jed.

Naikuwento rin ni Jed ang humble beginnings niya bilang singer.

Aniya, maga-apply daw sana siya bilang flight attendant sa isang international airline kaya siya nagpunta sa Maynila.

Eh, timing namang may contest siyang sinalihan bago siya nag-apply at na-nalo kaya nag-umpisa na ang bonggang oportunidad para kay Jed.

Hiningan namin ng sample si Jed, and sing naman siya agad nang walang ka-effort-effort.

Ang lamig talaga ng boses ng Ilonggong singer na ito.

Yes, laking Iloilo si Jed and in fact, aminado siyang nahu-homesick pa rin siya dahil sa kanyang busy schedule.

Tinanong din si Jed kung paano niya inaalagaan ang suwabe niyang boses.“A matter of discipline. ‘Pag may shows, hinay-hinay lang sa pag-inom ng malamig. Yes, umiinom ako ng malamig saka guilty pleasure ko na ang pagkain ng tsokolate, pero minsan lang.”

Jed looks up to world-class performers like Lani Misalucha, Martin Nievera, Gary Valenciano, Lea Salonga.

Among his batch, wala pa naman daw siyang na-kikitang bongga na puwedeng sabihin na iidolohin niya.

Siyempre, lahat naman ng ka-batch niya, magaganda rin ang boses at may ibubuga rin.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!