Friday, July 31, 2009

Erich Gonzales Bagong Kapareha ni Gerald!


Totoo nga ang tsismis. Hindi si Kim Chiu ang kapareha ni Gerald Anderson sa Tiagong Akyat, first installment ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, kundi si Erich Gonzales.

Nagkaroon na ng first grand presscon ang nasabing serye at inanunsyo na ngang si Erich ang leading lady ni Gerald.

Ayon sa young actor, siyempre ay nalungkot siya noong una na hindi sila magkasama ni Kim dahil nasanay na rin siya na ito ang parating leading lady, pero at the same time, na-excite rin siya dahil kaibigan naman daw nila ni Kim si Erich at gusto rin niya itong makatrabaho.

Besides, say ni Gerald, parte raw ito ng pagsulong ng career nila ni Kim since may ginagawa rin naman ang young actress na movie ngayon na hindi siya kasama.

Magsisimula na sa August 15 ang Tiagong Akyat at mapapanood ito every Saturday afternoon bilang kapalit ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja?

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!