Friday, July 3, 2009

Angel Locsin Gustong Makasama Ni Megastar Sa Pelikula!


Kahit gustuhin ni Angel Locsin, mukhang hindi yata niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Sharon Cuneta na lumabas siya sa Mano Po: My Mother bilang isa sa mga anak ng Megastar.

Legally binded siya sa exclusive contract na pinirmahan niya sa Star Cinema.

Hindi naman sa ayaw si-yang pahiramin ng Star Ci-nema sa Regal Films.

Magiging busy rin kasi siya sa sarili niyang movie with Aga Muhlach na ma-lapit nang magsimula.

Isa pa, busy rin siya sa teleserye niyang Only You na humahataw nang husto sa ratings.

Medyo worried lang siya kay Diether Ocampo na isa sa leading man niya sa Only You dahil inatake ito sa States kamakailan lang sa Star Magic caravan.

Anyway, matutupad din daw ang pangarap niyang makasama ang Megastar sa movie dahil may niluluto na raw na project ang Star Cinema na pagsasamahin silang dalawa ni Shawie.

Samantala, hindi raw totoo na may nag-o-offer sa kanya na gawin ang remake ng Himala.

At kung meron man, tulad nang binanggit ni Ricky Lee sa naging book launching nito ng Si Tatang at mga Himala ng ating Panahon, ay malabo niya itong tanggapin.

Nag-iisa lang daw si Nora Aunor at bukod-tanging ang Superstar lang ang makakagawa nito.

Wala na raw siyang mahihiling pa dahil bongga na ang career niya at super happy pa ang kanyang lovelife with Luis Manzano.

May usapan na raw sila ni Luis na huwag silang magtatambal sa TV o sa pelikula dahil gusto nilang separate ang personal life nila sa career nila.

Gusto pala naming i-congrats si Angel sa pagkakapanalo ng kanyang first teleserye sa Dos na Lobo sa Banff World Television Festival, Canada.

Natalo ng Lobo ang 800 entries from 29 countries nang manalo sa Teleserye Program category.

1 comment:

  1. ohhh!!! baby...ur so sexy!!! i luv it!!!

    ReplyDelete

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!