Friday, July 3, 2009

Roderick Paulate May Counter Offer nga ba sa Dos?


Nilinaw ni Roderick Paulate na walang counter-offer na bagong show ang ABS-CBN sa kanya nang tanggapin niya ang Rosa-linda ng GMA.

For the record, buhat nang matsugi sa ere ang sitcom nila ni Aga sa Dos last year ay wala pa siyang natatanggap na bagong offer sa ABS.

Kaya minabuti niyang maging Kapuso muna siya in the meantime.

Si Malou Fagar na ng TAPE ang nagma-manage ng career niya ngayon.

At mukhang pasok na naman siya sa kamalayan ng mga Pinoy dahil nag-hit ang indie film niya na Ded Na Si Lolo, kung saan binuhay na naman niya ang roles na talyada kung saan siya unang sumikat noon sa mga early movies niya sa Regal Films.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!