Friday, July 3, 2009

Are you the next big star? Latest Update


Are you the next big star?
Or are you the weakest contender?

Batay sa performan-ces ng Circle of 16 ng Are You The Next Big Star? nitong nakaraang dala wang Sabado, malalaman na kung sinu-sino sa kanila ang bubuo sa unang batch ng ‘weakest performers’ o ‘bottom three’.

Tatlong babae at tatlong lalaki ang malalagay sa alanganin bukas (Sabado), pagkatapos ng Pinoy Records sa GMA 7.

Tinanghal na best female performer ang 16 y/o na si Frencheska Farr, habang ang 18 y/o na si Christine Allado ang wost performer.

Ang 23 y/o na si Geoff Taylor ang napiling best male performer habang ang 18 y/o na si PJ Gonzales ang worst.

Hindi maaapektuhan ng boto para sa best at worst performer ang pagpili sa bottom three.

Ang mga hurado lamang na sina Danny Tan, Mon Faustino, Annie Quintos, Randy Santiago at Pops Fernandez, ang makakapagsabi kung sinu-sino ang malalagay sa alanganin.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!