Friday, July 3, 2009

Tonite @ Bubble Gang!


Babaha na naman ng mga nakakatawang gags sa Bubble Gang ngayong gabi pagkatapos ng GMA Telebabad.

Kasama ang guests na sina Paolo Contis, Mark Herras, Sunshine Dizon, Rochelle Pangilinan, at Chynna Ortaleza, pagbibidahan ng BG barkada ang iba’t ibang gags na nagpapakita ng mga karaniwang ginagawa kapag nag-e-evacuate kapag may bagyo.

Gagampanan ni Paolo ang isang action star na mag papamasahe kay Bitoy. Nasa taping sila nang mahulog sa kumunoy si Paolo.

Si Ogie ay isang mabuting kaibigan na ibinabahagi ang lahat sa kanyang kaibigan, pwera lang ang isang bagay -- ang kanyang asawa.

Mas mangingibabaw kaya ang kanilang pagkakaibigan o tuluyan nang matukso ang kanyang kaibigan sa maganda niyang asawa?

Sinabihan ni Yaya ang spoiled na si Angelina na magpalit ng damit. Sumunod kaya ang hitad na bratinella?

Age doesn’t matter, sabi nila. Payagan kaya si Chynna ng kanyang mga magulang na pakasalan ang boyfriend niyang Grade 6 pa lamang?
Sa Meozep, may limang bersyon ang patalastas ng Neozep.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!