Friday, July 24, 2009

Pagtuligsa ng Kritiko, Nakarating Na Kay Iwa Moto


NABASA pala ni Iwa Moto ang tuligsa sa kanya nang rumampa ang iti-nanghal na 100 Sexiest Women ng FHM kamakailan.

Ang tuligsa, hindi na-silayan ang kanyang ka-seksihan nang siya ang naman rumampa that night.

Aniya: “Sinadya ko talagang ‘di itodo ang pagpapaseksi. Gusto ko kasi na may maipakita pa ako next year. I pro-mise na mas bobongga-han ko talaga, kaya wait and see na lang sila next year.”

Sabi pa ni Iwa, target niya next year ay maging number one sa FHM at gusto niyang pataubin ang kaseksihan ni Cristine Reyes na itinanghal na no. 1 sexiest woman.

“Hindi naman masama na mag-wish na maging number one ako next year, di ba? Paghihirapan ko talaga para mas gumanda at sumeksi ang katawan ko kaya hinta-yin na lang nila ang pictorial ko ulit sa FHM,” say ni Iwa.

Right now ay masaya at proud si Iwa dahil kasama siya sa Darna ni Ma-rian Rivera bilang Valentina, ang babaing ahas.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!