Sunday, September 20, 2009

Christine Reyes, Blessed and Happy sa Showbiz Career


Kamakailan lang  ay nakatanggap ang teleseryeng Eva Fonda ni Cristine Reyes ng Special Award for Drama Series sa Seoul In-ternational Drama Awards sa South Korea, kaya naman very happy ang sexy-actress.

Hindi akalain ni Cristine na makakakuha ng special award at isa pang inter-national award ang kanyang first solo-starrer sa ABS-CBN, bukod sa na-no-minate siya sa Best Actress category.


Ito rin ang unang pagka-kataon na nakatanggap ng award ang Pilipinas sa prestihiyosong internatio-nal award-giving body simula nang mabuo ang Seoul International Drama Awards, four years ago.

Nagtungo ang grupo ng Eva Fonda kasama ang ABS-CBN entertainment head na si Ms. Linggit Tan sa South Korea para personal na tanggapin ang parangal.

Masayang-masaya si Cristine dahil nakilala ang kanyang teleserye, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

Kuwento pa ng dalaga, Eva Fonda rin ang tawag sa kanya ng mga tao doon, Pinoy man o mga Koreano.

Hindi inaasahan ni Cris-tine ang mainit na pag-tanggap sa kanya ng kan-yang mga tagahanga sa South Korea, na humingi pa ng autograph at nag-picture kasama niya.

“Sobrang natuwa ako dahil siyempre ako lang ang Pilipino (na na-nomi-nate) na nandun and at the same time, nanalo ang Eva Fonda,” say ni Cristine.

Hindi man siya nagwagi bilang Best Actress, nasa highest level naman ito dahil tinalo ng Eva Fonda ang ibang drama shows mula sa mga bansang Iran, Russia, Turkey at UK.

Ayon pa sa youngest sister ni Ara Mina, naging presentor pa siya ng dalawang kategorya at may nag-abot pa raw sa kanya ng card ng isang producer ng US TV series, ang CSI.

“Nakakatuwa kasi bi-nigyan ako ng card ng (US TV series) CSI guy ‘yung producer, tapos sabi niya if ever mapadpad ako sa US, i-message ko raw siya or email ko raw siya at dadalhin niya ako sa set ng CSI,” kuwento pa niya.

O, ‘di ba, malaking achievement ito para sa career ni Cristine?

Samantala, muling mag-papamalas ng husay niya sa pag-arte ang magandang dalaga sa Your Song Presents: Babalik Kang Muli na napapanood tuwing Linggo sa Ka-pamilya Network.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!