Saturday, September 19, 2009

Maja Salvador, Flattered Kay Sam

Flattered si Maja Salvador sa pag-amin ni Sam Milby na crush siya nito.

“Napakasuwerte ko dahil sa dami ng girls, sa dami ng artistang babae na magaganda at sexy dito sa ABS-CBN, eh, naging crush ako ni Mr. Sam Milby. “Salamat, Sam, dahil may paghanga ka sa akin,” say niya nang makausap namin sa presscon ng bagong teleserye sa Dos, ang Nagsimula sa Puso.

Tinanong ng press kung crush din ba niya si Sam?

“Hinahangaan ko rin si Sam Milby dahil napakagaling na artista. Bakit naman hindi?”

Kung sakali bang manligaw si Sam sa kanya, may pag-asa ba?

“Bakit naman hindi? Kung manliligaw. ’Yun ang tanong. Pero wala po, magkaibigan po kami ni Sam.”

Nasabi ni Maja recently na masyadong mataas si Sam para sa kanya kaya nag-react naman ang aktor na hindi naman siya iba sa ibang tao.

Ano ang masasabi ng young actress tungkol dito?

“Mali lang siguro ’yung pagkakaintindi ni Sam. Niloloko ko rin siya na, ‘wow, Sam Milby,’ parang ganu’n. Kumbaga, parang hindi ko lang mai-imagine noon na ‘wow, crush ako ni Sam Milby,’ ’yun lang.”

Sa ngayon, wala na daw silang communication ni Sam dahil pareho silang busy.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!