Thursday, September 17, 2009

Jennylyn Mercado, Iwas Muna Kay Patrick


Thankful si Jennylyn sa fans nila na hindi nagsasawang sila’y suportahan.
Thankful din siya na may nagpaalala sa kanyang posible silang magkita ni Patrick Garcia sa SOP sa Sunday para maiwasan ang ama ng kanyang anak.

Sa mga nagtatanong kung bakit matindi ang galit niya kay Patrick, ang sagot ni Jennylyn, “wala kayo sa sitwasyon ko, siguro kung kayo ang nasa sitwasyon ko, hindi ninyo kakayanin ang pinagdaanan ko.


Farewell promo ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin na kasama si Patrick at grand promo ng Ikaw Sana nina Jennylyn at Mark Herras, kaya hindi siya puwedeng mag-absent.

“In God’s time, maaayos din kami. Wala na naman sa akin kung magkita sila ni AJ (anak nila), ’wag na lang natin siyang pag-usapan,” pakiusap ni Jennylyn.

On the other hand, na-appreciate ni Jennylyn na mahal at dinadalaw ni Mark ang anak niya kahit wala siya sa bahay.

Sa Lunes na magsisimula ang Ikaw Sana bago ang 24 Oras sa direction ni Joel Lamangan.

2 comments:

  1. hahahaha..kalowka sya.

    ReplyDelete
  2. NAGPAPAKA KNOTROBERSYAL NA NAMAN ITONG GURL NA ITECH. KALOKA KA TALAGA DAY

    ReplyDelete

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!