Thursday, September 17, 2009

Tsismis na Buntis Si Melissa Ricks, Gimik Lang Ba?

ANO kaya ang motibo ng nagkakalat na buntis si Melissa Ricks?

Sabi ng ilang showbiz press, napakababa raw kasi ng rating ng show ni Melissa na Katorse kaya ginagawan ng isyu para mapag-usapan.

Pero, kung ang pagbu-buntis ni Melissa ay naganap lang sa teleserye nito, tapos ipagkakalat na buntis ang dalaga, aba, ‘di nakatutuwa ‘yan.

Bagkus ay nakakainis dahil niloloko nila ang publiko. Isa pa, ‘di na kina-kagat ngayon ang ganyang gimik para mapag-usapan ang isang artista.

In fairness kay Melissa, maganda at may future siya sa pag-arte kaya hindi na siya kailangang gawan ng isyu na hindi makatutulong sa showbiz career niya.

Sino kayang cheap ang nag-isip ng gimik na ‘yan?

Baka sa halip na gumanda ang career ni Melissa, ito pa ang maging dahilan para lumamlam ang kanyang career.

No comments:

Post a Comment

We have a freedom of speech and expressions but be responsible for it! Comments with foul and offensive language are not allowed here. The blogger/moderator reserves the right to delete inappropriate comments.Thank you!